“Paano Ako Mas Magbabalik-loob sa Ebanghelyo?” Liahona, Ago. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Ako Mas Magbabalik-Loob sa Ebanghelyo?
Sa aklat ng Roma, itinuro ni Apostol Pablo na ang pagbabalik-loob ay nangangailangan ng higit pa sa paniniwala. Kailangang kumilos tayo nang may pananampalataya at pagsisihan ang ating mga kasalanan para magbago ang ating likas na pagkatao at magbalik-loob tayo sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Tatlong Paraan para Mapatatag ang Iyong Pagbabalik-loob
Ibahagi ang iyong pananampalataya sa iba. Tulad ng ang pagtuturo ng isang konsepto ay higit na magpapaunawa nito sa iyo, ang pagbabahagi sa iba ng iyong patotoo tungkol sa ebanghelyo ay magpapatatag sa sarili mong pananampalataya. Ano ang isang paraan na maipapakita mo na “hindi [mo] ikinahihiya ang ebangheyo [ni Cristo]” (Roma 1:16)?
Pagnilayan ang kahulugan sa likod ng iyong mga kilos. Itinuturo ni Pablo na dapat makita sa ating mga kilos ang antas ng ating pagbabalik-loob (tingnan sa Roma 2:21–23, 28–29). Paano ka maaaring magpahayag ng pananampalataya—tulad ng pagtanggap ng sakramento, paglilingkod sa iba, o pagdalo sa templo—nang mas makabuluhan?
Alalahanin ang iyong tipan sa binyag. Nang binyagan ka, nakipagtipan ka na pagsisisihan mo ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo (tingnan sa Roma 6:4–6). Maaaring hindi mo madama ang matibay na pagbabalik-loob sa ebanghelyo ngayon, pero ang bawat araw ay pagkakataon para mapanibago ang iyong tipan sa Diyos at maging higit na katulad Niya. Paano mo maipapakita sa Panginoon na gusto mong magbalik-loob sa Kanyang ebanghelyo?