2023
Paano Ko Maaaring Tratuhin na Parang Templo ang Aking Katawan?
Agosto 2023


“Paano Ko Maaaring Tratuhin na Parang Templo ang Aking Katawan?,” Liahona, Ago. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Corinto 1–7

Paano Ko Maaaring Tratuhin na Parang Templo ang Aking Katawan?

outline ng katawan na nasa likod ang templo

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

“Ang kaloob na pisikal na katawan natin ay isang himala.

“… Ang inyong katawan, anuman ang mga likas na kaloob nito, ay … isang templo para sa inyong espiritu.”1

Pero kung minsan ay pinipintasan natin ang ating hitsura o pinapangarap nating maiba ang ating katawan. Maaari tayong maging abala sa mga makamundong kalakaran o pamantayan na nagiging dahilan para malimutan natin kung para saan ang ating katawan. Ang mga ito ay mga templo para sa ating espiritu at para sa Banal na Espiritu.

Paghahanap ng mga Sagot sa 1 Corinto 6

Kanino isang templo ang aking katawan? (Tingnan sa 1 Corinto 6:19.)

Akin ba ang katawan ko o sa Diyos? (Tingnan sa 1 Corinto 6:20.)

Narito ang payo ni Pangulong Nelson:

“Sa tuwing kayo ay titingin sa salamin, tingnan ang inyong katawan bilang inyong templo. …

“Paano ninyo pipiliing pangalagaan at gamitin ang inyong katawan?

“Anong mga espirituwal na katangian ang pipiliin ninyong taglayin?”2

Mga Tala

  1. Russell M. Nelson, “Ang Inyong Katawan: Isang Kagila-gilalas na Kaloob na Dapat Pahalagahan,” Liahona, Ago. 2019, 50, 52.

  2. Russell M. Nelson, “Mga Pagpapasiya para sa Kawalang-Hanggan,” Liahona, Nob. 2013, 107.