“Ang Ating Personal na Paglalakbay Patungo sa Diyos,” Liahona, Ago. 2023.
Para sa mga Magulang
Ang Ating Personal na Paglalakbay Patungo sa Diyos
Minamahal na mga Magulang,
Ang ating paglalakbay tungo sa pagiging perpekto, tulad ng makikita sa isyu sa buwang ito, ay nilalakbay sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, pagsisisi, paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan, at paghahangad ng patnubay ng Diyos sa ating buhay.
Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo
Ang Ating Hangaring Lumapit kay Cristo
Tanungin ang inyong mga anak kung ano ang ibig sabihin ng maghanap ng isang bagay. Ibahagi ang ilang turo mula sa artikulo ni Elder Neil L. Andersen sa pahina 4 tungkol sa ating hangaring lumapit kay Cristo. Anong mga kasangkapan ang nagpapatatag sa atin sa paglalakbay na ito?
Paghihikayat ng Pag-unlad na Tulad ni Cristo
Talakayin sa inyong mga anak kung ano ang kanilang mga pangmatagalang mithiin, tulad ng isang propesyon, misyon, o kasal sa templo. Basahin ang mga ideya sa mga pahina 14–17. Maaari kayong sama-samang magplano ng ilang aktibidad na maaaring makatulong sa inyong mga anak na makamtan ang kanilang mga mithiin.
Pagbabawas ng Pagkalantad sa Di-Angkop na Materyal
Gamit ang artikulo sa pahina 8, pag-usapan ang pag-asa na maaaring magsisi ang isang tao kung hirap siyang paglabanan ang paggamit ng pornograpiya. Gumawa ng plano ng pamilya na bawasan ang potensyal na pagkalantad sa di-angkop na materyal sa media tulad ng telebisyon at internet.
Mula sa Magasing Kaibigan
Espesyal na Isyu tungkol sa Binyag
Sa buwang ito, ang Kaibigan ay tungkol lahat sa binyag, kumpirmasyon, at pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw! Basahin ang isang espesyal na mensahe mula sa Unang Panguluhan, alamin ang tungkol sa iba pang mga batang nabinyagan at nakumpirma, at gumawa ng mga aktibidad para tulungan ang inyong anak na malaman ang tungkol sa kanilang tipan sa binyag.
Para makaorder ng mga karagdagang kopya ng espesyal na isyung ito sa hinaharap, bisitahin ang store.ChurchofJesusChrist.org.
Mga Aktibidad Online para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Sa buwang ito, maghanap ng mga lingguhang aktibidad sa friend.ChurchofJesusChrist.org para maging masaya ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng inyong pamilya.