2023
Paano Ako Maililigtas ng Tagapagligtas mula sa mga Pagsubok?
Agosto 2023


“Paano Ako Maililigtas ng Tagapagligtas mula sa mga Pagsubok?” Liahona, Ago. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Gawa 22–28

Paano Ako Maililigtas ng Tagapagligtas mula sa mga Pagsubok?

si Pablo na ipinapagpag ang ulupong sa apoy

Paul and the Viper [Si Pablo at ang Ulupong], © Classic Bible Art Collection / lisensyado ng GoodSalt.com

Habang inilalatag ni Pablo ang mga kahoy sa apoy, “lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kanyang kamay” (Mga Gawa 28:3). Ngunit “ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya’y hindi nasaktan” (talata 5). Lahat tayo ay nahaharap sa mga hamon, tukso, at kahinaan sa mortalidad, at tulad ni Pablo, sa pagsampalataya kay Jesucristo at pagsunod sa Kanyang mga utos, maaari nating “ipagpag” ang ating mga pagsubok at masumpungan ang ginhawa sa pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na iligtas tayo.

Paano Ko Madaraig …

Ang mga Hamon?

“Ang pananampalataya sa Manunubos ay isang alituntunin ng pagkilos at kapangyarihan. Kapag kumikilos tayo alinsunod sa mga katotohanan ng Kanyang ebanghelyo, binibiyayaan tayo ng espirituwal na kakayahang magpatuloy sa kabila ng mga hamon ng mortalidad habang nakatuon sa mga kagalakang ibinibigay sa atin ng Tagapagligtas.”1

Mga Tukso?

“Kapag dumarating ang mga unos sa buhay, maaari kayong maging matatag dahil nakatayo kayo sa bato ng inyong pananampalataya kay Jesucristo. Ang pananampalatayang iyan ay aakay sa inyo na magsisi araw-araw at patuloy na tuparin ang mga tipan. Pagkatapos ay lagi ninyo Siyang maaalaala. At sa paghagupit ng mga unos ng pagkamuhi at kasamaan, madarama ninyo na matatag at may pag-asa kayo.”2

Mga Kahinaan?

Sa pagtupad sa ating mga tipan, nalilinis tayo ng kapangyarihan ng Tagapagligtas habang natututo tayo sa pamamagitan ng mga karanasan—maliit na pagkakamali man ito o malaking kabiguan. Nariyan ang ating Manunubos para saluhin tayo kapag tayo’y nahuhulog kung babaling tayo sa Kanya.”3