2023
Pagsulong nang May Pananampalataya Kay Cristo
Agosto 2023


“Pagsulong nang May Pananampalataya kay Cristo,” Liahona, Ago. 2023.

Welcome sa Isyung Ito

Pagsulong nang May Pananampalataya Kay Cristo

si Jesus na inaabot ang tubig

The Hand of God [Ang Kamay ng Diyos], ni Yongsung Kim, hindi maaaring kopyahin

Gaano man kadilim at nag-iisa ang pakiramdam natin kapag nahihirapan tayo sa ating mga pagsubok, palaging may landas pasulong habang tumatahak tayo sa landas ng tipan at humihingi ng patnubay mula sa isang mapagmahal na Tagapagligtas at Ama sa Langit. Sa isyung ito, ibinahagi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng habambuhay na paghahangad na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo (pahina 4). Isinulat niya, “Hindi gaanong mahirap piliing manampalataya kay Jesucristo kapag nadarama nating espirituwal tayong napalakas, pero kailangan din nating piliing manampalataya kapag nagiging mahirap ang buhay.”

Ang aking artikulo at ang isa sa mga artikulo ng mga young adult sa isyung ito ay nakatuon sa isa sa mga karaniwang pagsubok na dinaranas ng maraming pamilya at indibiduwal sa ating makabagong mundo: ang pornograpiya (mga pahina 8, 34). Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, na ang mga nakikipaglaban sa pornograpiya “ay hindi masama o walang pag-asa” (“Pagrekober mula sa Bitag ng Pornograpiya,” Liahona, Okt. 2015, 55). Sinuman ay makasusumpong ng lakas na madaig ang mahihigpit na pagkahawak ng pornograpiya sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pananampalataya kay Jesucristo at paggamit ng resources mula sa mga kaibigan, kapamilya, lider ng simbahan, at mental health professional.

Sa aking artikulo, inilalarawan ko ang iba’t ibang antas ng paggamit ng pornograpiya at tinutugunan ang partikular na mga paraan para tumigil ang mga indibiduwal sa paggamit ng pornograpiya sa bawat isa sa mga antas na ito. Binibigyang-diin ko ang kahalagahan ng espirituwal na resources at ang mahalagang tungkuling gumabay na maaaring gampanan ng Espiritu Santo sa pagbibigay ng suporta sa pagdaig sa pornograpiya.

Sana’y matulungan ka ng isyung ito na madama ang kapayapaan at pagmamahal ng iyong Ama sa Langit at ng iyong Tagapagligtas na si Jesucristo, at maipaunawa sa iyo na sa tunay na pananampalataya, maaaring madaig ang anumang balakid sa buhay.

Brian J. Willoughby

Professor, School of Family Life, Brigham Young University