Liahona
Mga Disipulo ni Jesucristo sa Simbahan at Komunidad
Hunyo 2024


“Mga Disipulo ni Jesucristo sa Simbahan at Komunidad,” Liahona, Hunyo 2024.

Welcome sa Isyung Ito

Mga Disipulo ni Jesucristo sa Simbahan at Komunidad

Bilang mga miyembro ng Simbahan, pribilehiyo at tungkulin nating “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon” (Mosias 18:9). Sa pahina 4 ng isyung ito, itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang pagtayo bilang mga saksi ni Jesucristo sa mga nasa paligid natin ay maaaring makagawa ng kaibhan sa ating komunidad. Sa pahina 16, ipinaliwanag ko na magagampanan din natin ang responsibilidad na ito sa paraan ng pagpapatotoo natin kay Jesucristo at sa katotohanan ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan sa iba pang mga miyembro.

Maaari tayong magpatotoo nang may tiwala tungkol sa katotohanan ng ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon at sa mga lider nito kapag natanto natin na hindi kailangang maging perpekto ang Simbahan, ni ang mga miyembro nito para maging totoo ang Simbahan. Tunay na ipinahayag ng Panginoon na ang Kanyang layunin ay para “[gawing sakdal] ang mga banal” (Efeso 4:12). Tinatanggap ng Simbahan ang di-sakdal pero nagsisikap na mga anak ng Panginoon. Sa pamamagitan ng mga turo, ordenansa, at tipan nito, at ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, tinutulungan tayo ng Simbahan hanggang sa “makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong [sakdal]” (Efeso 4:13), na hindi natin lubos na maisasakatuparan sa buhay na ito.

Pinatototohanan ko na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay pinamumunuan ng Panginoong Jesucristo mismo sa pamamagitan ng mga buhay na propeta at apostol; na ang mga tumatanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan at tumutupad sa kaugnay na mga tipan ay dadakilain sa hinaharap sa kahariang selestiyal ng Diyos; at na sasaksi ang Espiritu Santo sa mga bagay na ito sa mga taos-pusong naghahanap ng katotohanan.

Taos-pusong sumasainyo,

Elder J. Devn Cornish

Emeritus General Authority Seventy

si Alma na nagbibinyag sa mga tubig ng Mormon

“At sa ganitong pamamaraan [bininyagan ni Alma] ang bawat isa na nagtungo sa lugar ng Mormon; at sila ay may bilang na mga dalawang daan at apat na katao; oo, at sila ay bininyagan sa mga tubig ng Mormon, at napuspos ng biyaya ng Diyos.”

Minerva Teichert (1888–1976), Alma Baptizes in the Waters of Mormon [Nagbibinyag si Alma sa mga Tubig ng Mormon], 1949–1951, oil sa masonite, 35 7/8 x 48 pulgada, Brigham Young University Museum of Art, 1969.