“Pagkakaroon ng Kaginhawahan kay Jesucristo,” Liahona, Set. 2024.
Welcome sa Isyung Ito
Pagkakaroon ng Kaginhawahan kay Jesucristo
Sa buwang ito sa pag-aaral natin ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, mababasa natin ang isang espesyal at natatanging karanasan: ang nabuhay na mag-uling Cristo nang bumisita sa mga lupain ng Amerika at anyayahan ang mga Nephita na “lumapit sa akin, upang inyong maihipo ang inyong mga kamay sa aking tagiliran, at upang inyo ring masalat ang [mga] bakas ng pako sa aking mga kamay at aking mga paa, upang inyong malaman na ako nga ang Diyos ng Israel, at ang Diyos ng buong sangkatauhan, at pinatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan” (3 Nephi 11:14).
Tulad ng ginawa Niya sa mga Nephita, inaanyayahan ni Jesucristo ang bawat isa sa atin na lumapit at magkaroon ng personal na karanasan sa Kanya at makipagtipan sa Kanya. Kaylaki ng pasasalamat ko na minamahal Niya tayo sa ganitong paraan at nais Niyang makapiling tayo. Dahil sa Kanya, hindi tayo nag-iisa. Sa aking artikulo, ibinahagi ko na “nilayon tayong maging katuwang ng Panginoon sa mabisang paraan sa pamamagitan ng ating mga tipan” (pahina 44). Kapag lumalapit tayo sa Kanya sa mga pagpapasiya natin araw-araw na tumupad ng mga sagradong tipan, nagkakaron tayo ng kaugnayan kay Jesucristo na maghahatid ng Kanyang pagmamahal at kaginhawahan sa ating buhay at sa buhay ng ating pamilya.
Naaalala natin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagsusuot ng temple garment matapos tayong ma-endow, paliwanag ni Pangulong Jeffrey R. Holland sa kanyang artikulong “Ang Garment ng Banal na Priesthood” (pahina 4). Ibinahagi niya ang pangako ng Unang Panguluhan na ang pagtupad sa ating mga tipan at pagsusuot ng garment ay magbibigay sa atin ng mas malaking access sa proteksyon at kapangyarihan ng Tagapagligtas.
Pinatototohanan ko na mahal kayo ng ating Ama sa Langit at ng Tagapagligtas at na pumarito si Jesucristo para sa layuning ito mismo: ang maghatid sa atin ng kaginhawahang hangad natin. Si Jesucristo ay kaginhawahan.
Taos-pusong sumasainyo,
Kristin M. Yee
Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency