“Reykjavík, Iceland” Liahona, Set. 2024.
Narito ang Simbahan
Reykjavík, Iceland
Ang mga unang misyonero ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay dumating sa Iceland noong 1851. Noong ika-20 siglo, maraming miyembro ang nandayuhan sa iba pang mga bansa. Gayunman, ngayon, ang mga miyembro ng Simbahan sa Iceland ay nagmula sa iba’t ibang bansa, at maraming katutubong taga-Iceland ang bumalik upang ipangaral ang ebanghelyo ni Jesucristo at tulungan ang mga bagong miyembro na mamuno sa Simbahan. Bagama’t kakaunti ang bilang nila, sila ay isang komunidad na malapit sa isa’t isa. Ang Simbahan sa Iceland ay mayroong:
-
380 miyembro (humigit-kumulang)
-
4 na branch (kabilang ang isa sa wikang Espanyol)
-
1 FamilySearch center
Isang Komunidad ng mga Banal
Ang mga miyembro sa Iceland ay umaasa sa isa’t isa. Nang pumanaw ang asawa ni Bettina Gudnason, nakadama siya ng kapanatagan sa pamilya ng mga Banal sa kanyang paligid: “Ang mga miyembro ng Simbahan ay laging nakapaligid sa akin at sumasama sa akin. Alam ko sa puso ko na alam ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang lahat ng nangyayari sa ating paligid. Kilala Nila tayo sa pangalan.”