“Nagpapasalamat para sa Isang Propeta,” Liahona, Set. 2024.
Para sa mga Magulang
Nagpapasalamat para sa Isang Propeta
Mahal na mga Magulang,
Ipinagdiriwang ni Pangulong Russell M. Nelson sa buwang ito ang kanyang ika-100 kaarawan. Binibigyang-diin ng mga artikulo sa isyung ito kung paano niya tayo itinuturo at ng iba pang mga propeta kay Jesucristo.
Ang isang paraan para masunod ng mga kabataan ang propeta ay sa pagtugon sa kanyang paanyaya na regular na dumalo sa seminary at basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw. Nangako Siya ng magagandang pagpapala sa mga gumagawa nito, pati na ng pagkatutong tumanggap ng personal na paghahayag, paghahanap ng mga sagot sa mahihirap na tanong sa buhay, at pagkilala sa Tagapagligtas. Narinig na ba ng mga anak ninyong tinedyer ang paanyayang ito ng propeta? Bisitahin ang seminary.ChurchofJesusChrist.org para malaman ang iba pang impormasyon.
Mga Talakayan Tungkol sa Ebanghelyo
Alalahanin ang Inyong mga Tipan
Sa artikulo ni Pangulong Jeffrey R. Holland sa pahina 4, nalaman natin kung paano tayo poprotektahan at pananatilihing malapit sa Espiritu ng pagtupad sa ating mga tipan at pagsusuot ng garment ng banal na priesthood matapos tayong tumanggap ng endowment. Maaari ninyong ibahagi sa inyong pamilya ang isang sipi mula sa artikulo at pag-usapan kung paano naging “isang hayagang pagpapakita ng katapatan ng kalooban” ang pagsusuot ng garment. Ano ang iba pang ginagawa nating mga hayagang pagpapakita ng ating tapat na pangakong maging mga disipulo?
Sundin ang mga Kautusan
Humingi ng personal na mensahe si Elder Isaac K. Morrison kay Pangulong Nelson para sa kanyang asawa at mga anak. Ang tugon ng propeta ay “Sundin ang mga kautusan.” (Tingnan sa pahina 20.) Maaari ninyong itanong sa inyong mga anak: Paano maiiba ang inyong mga pagpapasiya kung kasama ninyong nakaupo ang propeta sa isang mesa at hilingin niya sa inyo na sundin ang mga kautusan?
Sundin ang Propeta
Magiging 100 taong gulang na si Pangulong Nelson ngayong buwan! Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ang ilan sa mga aral na natutuhan niya mula sa propeta (tingnan sa pahina 12). Ano ang natutuhan ng inyong mga anak mula sa propeta? May partikular na mensahe o debosyonal bang nakintal sa kanilang isipan? Ibahagi ang inyong mga iniisip. Maaari ninyong panoorin ang isang video message mula sa kanya.