Liahona
Mga Dekada ng Tapat na Paglilingkod: Mga Piling Turo ni Pangulong Russell M. Nelson
Setyembre 2024


“Mga Dekada ng Tapat na Paglilingkod: Mga Piling Turo ni Pangulong Russell M. Nelson,” Liahona, Set. 2024.

Mga Dekada ng Tapat na Paglilingkod: Mga Piling Turo ni Pangulong Russell M. Nelson

Ngayong 100 taong gulang na, 40 taon nang naglilingkod si Pangulong Nelson bilang Apostol. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga turo mula sa kanyang panahon bilang Pangulo ng Simbahan.

iba’t ibang tagpo mula sa buhay ni Pangulong Russell M. Nelson

Mag-umpisa nang Isinasaisip ang Katapusan

“Ang katapusan kung saan ang bawat isa sa atin ay pilit na pinagsisikapang mapagkalooban ng kapangyarihan sa bahay ng Panginoon, mabuklod bilang mga pamilya, tapat sa mga tipang ginawa sa templo upang maging karapat-dapat sa pinakadakilang kaloob ng Diyos—ang buhay na walang-hanggan. Ang mga ordenansa ng templo at mga tipang ginawa ninyo ang susi sa pagpapalakas ng iyong buhay, pagsasama ninyong mag-asawa at pamilya, at ng kakayahan ninyong labanan ang mga pagsalakay ng kaaway. Ang inyong pagsamba sa templo at paglilingkod doon para sa inyong mga ninuno ay pagpapalain kayo ng karagdagan na personal na paghahayag at kapayapaan at patitibayin ang inyong pangako na manatili sa landas ng tipan.”

Habang Tayo ay Sama-samang Sumusulong,” Liahona, Abr. 2018, 7.

Magsisi Araw-araw

“Wala nang mas nagpapalaya, mas nagpapabanal, o mas mahalaga sa ating indibiduwal na pag-unlad kaysa sa regular at araw-araw na pagtutuon sa pagsisisi. Ang pagsisisi ay hindi ginagawa nang isang beses lang, ito ay isang proseso. Ito ay susi sa kaligayahan at kapayapaan ng isipan. Kapag nilakipan ng pananampalataya, ang pagsisisi ay nagiging daan para magamit natin ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.”

Gumawa at Tumupad ng mga Tipan

“Bawat babae at bawat lalaki na nakikipagtipan sa Diyos at tumutupad sa mga tipang iyon, at karapat-dapat na nakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood, ay matatanggap mismo ang kapangyarihan ng Diyos. Yaong mga tumanggap ng endowment sa bahay ng Panginoon ay tumatanggap ng kaloob na kapangyarihan ng priesthood ng Diyos dahil sa bisa ng kanilang tipan, at ng kaloob na kaalaman upang malaman kung paano gagamitin ang kapangyarihang iyon.”

Mga Espirituwal na Kayamanan,” Liahona, Nob. 2019, 77.

Pakinggan ang Panginoon

“Alam ng ating Ama na kapag napalilibutan tayo ng kawalang-katiyakan at takot, ang lubos na makatutulong sa atin ay pakingggan ang Kanyang Anak.

“Sapagka’t kapag hinangad nating pakinggan—tunay na pakinggan—ang Kanyang Anak, gagabayan tayong malaman ang gagawin sa anumang kalagayan.”

Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 89.

Piliing Hayaang Manaig ang Diyos

“Iniisip ang depinisyon sa Hebreo ng Israel, makikita natin na ang pagtitipon ng Israel ay naging mas makahulugan. Tinitipon ng Panginoon ang mga tao na hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay. Tinitipon ng Panginoon ang mga taong pipiliin ang Diyos na maging pinakamahalagang impluwensya sa kanilang buhay.”

Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92.

Daigin ang Mundo

“Ang pagdaig sa mundo ay hindi isang kaganapang nangyayari sa isa o dalawang araw. Nangyayari iyon sa buong buhay habang paulit-ulit nating niyayakap ang doktrina ni Cristo. Nililinang natin ang pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw at pagtupad ng mga tipan na nagkakaloob sa atin ng kapangyarihan. Nananatili tayo sa landas ng tipan at napagpapala ng espirituwal na lakas, personal na paghahayag, pag-iibayo ng pananampalataya, at paglilingkod ng mga anghel. Ang pagsasabuhay ng doktrina ni Cristo ay maaaring magdulot ng pinakamakapangyarihan at magandang resulta, na lumilikha ng espirituwal na momentum sa ating buhay.”

Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 97.

Piliing Maging Tagapamayapa

“Ang pagtatalo ay nagtataboy sa Espiritu—sa tuwina. Pinalalakas ng pagtatalo ang maling paniniwala na ang kumprontasyon ay ang paraan para malutas ang mga hindi pagkakasundo; subalit hindi ito kailanman nangyayari. Pinipili nating makipagtalo. Pinipili nating maging tagapamayapa. May kalayaan kayong piliin ang pagtatalo o pagkakasundo. Hinihikayat ko kayo na piliing maging tagapamayapa, ngayon at sa tuwina.”

Kailangan ng mga Tagapamayapa,” Liahona, Mayo 2023, 99–100.

Isipin ang Kahariang Selestiyal

“Kapag gumagawa kayo ng pagpapasiya, hinihikayat ko kayong tanawin ang hinaharap—isang walang-hanggang pananaw. Unahin si Jesucristo, dahil ang inyong buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa inyong pananampalataya sa Kanya at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Nakasalalay din ito sa inyong pagsunod sa Kanyang mga batas. Ang pagsunod ay naglalaan ng daan para sa masayang buhay para sa inyo ngayon at sa isang maringal at walang-hanggang gantimpala bukas.”

Isipin ang Kahariang Selestiyal!,” Liahona, Nob. 2023, 118.