Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Nitong nakaraang linggo, dapat ay nakapagsaliksik ka pa tungkol sa iyong mga training option at nakipag-usap sa potensyal na mga education o training provider. Sa kabanatang ito, susundin mo ang sumusunod na mga hakbang para marepaso ang natutuhan mo at magpasya kung aling training option ang pinakamaganda para sa iyo.
-
Isaalang-alang ang kalidad ng paaralan o training program.
-
Isaalang-alang ang kakayahan mong matanggap at makatapos.
-
Isaalang-alang ang magagastos at halaga.
-
Pumili ng isang paaralan o training program.
-
I-update ang iyong plano para maging self-reliant.
-
-
Talakayin:Ngayong nakapagtipon ka na ng impormasyon tungkol sa iyong mga training option, ano ang natagpuan mo na pinakamahalaga sa iyo?
-
Basahin:Habang iniisip mo kung anong paaralan o training program ang papasukan mo, tandaan ang payo ni Elder Dallin H. Oaks tungkol sa maganda, mas maganda, o pinakamaganda.
-
Panoorin:“Good, Better, Best,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 93.)
1. Isaalang-alang ang Kalidad ng Paaralan o Training Program
-
Basahin:“Nais ng Panginoon na turuan ninyo ang inyong isipan at mga kamay, anuman ang napili ninyong larangan. Maging ito’y pagkukumpuni ng mga refrigerator, o ang gawain ng bihasang siruhano, kailangan ninyong turuan ang inyong sarili. Hangarin ang pinakamainam na pag-aaral na inyong makukuha. Maging manggagawa na may integridad sa mundo na nasa inyong harapan” (Gordon B. Hinckley, “Payo at Panalangin ng Isang Propeta para sa Kabataan,” Liahona, Abr. 2001, 35).
Ang isa sa pinakamahahalagang panukat ng kalidad ng isang paaralan o training program ay kung gaano katagumpay ang mga nagtapos dito sa pagkakaroon ng gusto nilang trabaho.
Si Juan ay nagtipon ng ilang nakakatulong na impormasyon tungkol sa mga job placement rate ng mga certificate program na pinag-iisipan niya. Pagkatapos ay pumili siya kung ano ang “maganda, mas maganda, o pinakamaganda.”
-
Talakayin:Ano ang masasabi mo sa pag-uuri ni Juan?
1. Isaalang-alang ang Kakayahan Mong Matanggap at Makatapos
-
Basahin:Maaaring akma ang isang paaralan sa iyo, pero akma ka ba sa paaralan? Ang mga paaralan ay nagtatakda ng mga pamantayan kung sino ang kwalipikadong pumasok sa program.
Pumapasok ang ilang tao sa isang paaralan pero nagda-drop out din kalaunan. Maaaring nag-drop out sila dahil mahinang klase ang program o hindi iyon ang kanilang inaasahan. Maaaring nag-drop sila dahil masyadong mahirap iyon. Pagkumparahin ang mga paaralan para mas maunawaan kung gaano kaposible kang makapasok at makatapos.
Ginamit ni Juan ang sumusunod na impormasyon para pagkumparahin ang mga program at ang posibilidad na matanggap at makatapos siya.
-
Talakayin:Ano ang masasabi mo sa pag-uuri ni Juan?
3. Isaalang-alang ang Magagastos at Halaga
-
Basahin:Iba’t iba ang magagastos sa iba’t ibang kurso at training program. Kailangan mong alamin kung sa palagay mo ay makatwiran ang magagastos sa kurso o training sa klase ng trabahong posible mong makuha. Hindi mo gugustuhing pagdaanan ang isang magastos na kurso o training program na hindi posibleng humantong sa isang magandang trabaho. Dapat kang humanap ng isang opsiyon na nagbibigay sa iyo ng pinakasulit na halaga.
Ginamit ni Juan ang sumusunod na impormasyon para pagkumparahin ang magagastos at halaga ng mga training option na pinag-iisipan niya.
-
Talakayin:Ano ang masasabi mo sa pag-uuri ni Juan?
-
Talakayin:Ano ang ilang bagay na isasa-alang-alang kapag pumipili ng paaralan o training program?
4. Pumili ng Isang Paaralan o Training Program
-
Basahin:Ngayong na-evaluate mo na ang ilang bagay, kailangan mong magdesisyon kung aling paaralan o training program sa palagay mo ang pinakamabuti para sa iyo.
Halimbawa, matapos timbangin ang lahat ng opsiyon at konsiderasyon, nagdesisyon si Juan na kumuha ng welding certificate sa Vocational Institute.
-
Basahin:Congratulations! Napili mo ang pinakamagandang training para sa iyo para maging self-reliant. Makakasulong ka na ngayon nang may tiwala.
5. I-update ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant
-
Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?