2010
Isang Alaala ng Pasko
Disyembre 2010


Sa mga Salita ng mga Propeta

Isang Alaala ng Pasko

Mula sa “Mga Regalong Pinahahalagahan,” Liahona, Dis. 2006, 3–4.

President Thomas S. Monson

Sa isang tagong sulok ng bahay, may maliit akong itim na baston na ang hawakan ay imitasyong pilak. Dati itong pag-aari ng isang malayong kamag-anak. Bakit ko ito iniingatan sa loob ng mahigit 70 taon na ngayon? May espesyal na dahilan. Noong bata pa ako sumali ako sa Pamaskong palabas sa ward namin. Gumanap ako bilang isa sa tatlong Pantas na Lalaki. Suot ang bandana sa aking ulo, at nakasampay sa balikat ang takip ng upuan ng piano ni Inay, at hawak ang itim na baston, binigkas ko ang aking linya: “Saan naroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? sapagka’t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y sambahin” (Mateo 2:2). Tandang-tanda ko pa ang nadama ng puso ko nang tumingala kaming tatlong “Pantas na Lalaki” at nakita ang isang bituin, na inililibot sa entablado, natagpuan si Maria kasama ang batang si Jesus, at nagpatirapa at sumamba sa Kanya at binuksan at inialay ang aming mga regalo: ginto, kamangyan, at mira.

Pinakagusto ko ang hindi namin pagbalik sa salbaheng si Herodes para ipagkanulo ang sanggol na si Jesus at sa halip ay sumunod kami sa Diyos at tinahak ang ibang daan.

Lumipas ang mga taon, ngunit may espesyal na lugar pa rin sa bahay namin ang baston; at sa puso ko’y naroon ang tapat na pangako kay Cristo.