2011
Maaari Din Akong Maging Misyonero
Pebrero 2011


Maaari Din Akong Maging Misyonero

“Samakatwid, kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain” (D at T 4:3).

  1. Sabik na si Brett. Katatanggap lang niya ng sulat mula sa kuya niyang si Tony. Si Tony ay isang misyonero. Bago umalis si Tony, nangako sa kanya si Brett na gagawin din niya ang gawaing misyonero.

  2. Brett, alam mo ba na kapag naglilingkod ka sa iba ay ginagawa mo ang gawaing misyonero? Sabik na akong marinig ang lahat ng tungkol sa iyong gawaing misyonero. Nagmamahal, Kuya Tony

  3. Inay, gusto ko pong maglingkod sa iba para maging misyonero din akong tulad ni kuya Tony. Ano po ang maaari kong gawin?

  4. Alam kong kailangan ni Mrs. Hampton ng tulong sa pagkalaykay ng mga dahon sa Sabado. Magandang paraan ba iyan para sa gawaing misyonero?

    Opo! Pagkatapos masusulatan ko na po si kuya Tony at ikukuwento ko sa kanya ang lahat ng tungkol dito.

  5. Nang sumunod na Sabado, naupo si Brett para gumawa ng sulat para kay Tony.

    Mahal kong Kuya Tony, umaasa akong nasisiyahan kang tulad ko sa paggawa ng gawaing misyonero. Tinulungan namin si Mrs. Hampton ngayon sa kanyang bakuran. Binigyan niya kami ng isang platong cookies. Tinanong siya ni Itay kung gusto niyang sumama sa amin sa simbahan, at pumayag siya. Nagmamahal, Brett

  6. Itinupi ni Brett ang papel at inilagay sa sobre ang sulat at isang dahon mula sa bakuran ni Mrs. Hampton.

  7. Maaari din akong maging misyonero!

Mga paglalarawan ni Scott Peck