Mga Talinghaga ng mga Naligaw at Natagpuan
Bilang mga katuwang na pastol ng Tagapagligtas, may responsibilidad tayong “tulungan[g] … iligtas ang mga naliligaw ng landas.”
Sa kabanata 15 ng Ebanghelyo ayon kay Lucas, gumamit ang Tagapagligtas ng tatlong talinghaga upang ituro ang kahalagahan ng isang kaluluwa, na ipinapakita sa atin kung paano hanapin at ibalik ang nawala sa kawan ng pananampalataya at pamilya.
Sa mga talinghaga, gumala ang tupa, nawala ang isang pirasong pilak, at nilustay ng alibughang anak ang kanyang mana sa magulong pamumuhay. Ngunit ginalugad ng pastol ang ilang, winalis ng babae ang bahay, at hinintay ng mapagpatawad na ama ang pagbabalik ng kanyang anak, laging handang tanggapin siya nang malugod sa tahanan.
Ang mga talinghaga ng Tagapagligtas—at ang tatlong sumunod na maiikling lathalain ng mga lider ng Simbahan—ay nagpapaalala sa atin na bilang Kanyang mga katuwang na pastol, may responsibilidad tayong “tulungan[g] … iligtas ang mga naliligaw ng landas, upang wala ni isang mahalagang kaluluwang mawala.”1