2011
Komentaryo
Pebrero 2011


Komentaryo

Nagsisikap Maging Halimbawa

Nais kong malaman ninyo na gustung-gusto kong magbasa ng magasing Liahona, at alam ko na naroon ang mga salita ng propeta. May patotoo ako sa katotohanan ng Aklat ni Mormon at sa panalangin. Nagpapasalamat ako sa ebanghelyo sa aking buhay, at sinisikap kong maging halimbawa sa ibang mga kabataang hindi pa nakaaalam sa salita ng Panginoon.

Tatiana G., edad 15, Uruguay

Nanuot sa Aking Kaluluwa ang Kapayapaan

Hindi pa ako miyembro ng inyong simbahan, ngunit napupuspos ako ng galak, pagmamahal, at kapayapaan dahil sa wakas ay natagpuan ko na ang katotohanan. Binigyan ako ng isang kaibigan ng kopya ng Liahona at ng Aklat ni Mormon para basahin, at kahit natagpuan ko ang katotohanan sa mga ito, nag-atubili ako dahil may ilang taong nagsabi sa akin na hindi maganda ang simbahang ito.

Ngunit dahil nadama ko ang mga katotohanan tungkol kay Cristo, muli akong nagbasa, at ngayon ay nanuot na sa aking kaluluwa ang kapayapaan. Ang mga turo ay malinaw at nagbibigay-inspirasyon—at dahil iyan sa presensya ng Espiritu. Walang yunit ng Simbahan sa lugar na tinitirhan ko, ngunit dalangin ko na magbukas ng daan ang Panginoon para makarating sa aking lungsod ang ipinanumbalik na ebanghelyo at mabinyagan ako.

Konan Alphrede, Côte d’Ivoire