2011
Paghahayag: Bumubuhos mula sa Langit
Pebrero 2011


Paghahayag Bumubuhos mula sa Langit

Natitilamsikan ng tubig ang mga taong masyadong lalapit sa Pulhapanzak Falls sa Honduras. Ngunit hindi ito alintana ni José Santiago Castillo. Para kay José, ang bumubuhos na tubig ay sagisag ng pangakong naging makabuluhan sa kanya mula nang unang sagutin ng Ama sa Langit ang kanyang mga dalangin tungkol sa ebanghelyo.

“Kung nais natin ng karunungan, makakahingi tayo,” sabi ni José (tingnan sa Santiago 1:5). “Tulad ng hindi mapipigilan ng tao ang tubig na ito, ipinangako ng Panginoon na magbubuhos Siya ng kaalaman sa mga Banal.” (Tingnan sa D at T 121:33.)

Ang karanasan ni José sa Simbahan ay nagturo sa kanya na lumalakas ang patotoo nang taludtod sa taludtod, ngunit hindi ito kailangang maging mabagal. Mayroong paghahayag na dadaloy.

Itinuro ni Propetang Joseph Smith, “Hindi naghayag ng anuman ang Diyos kay Joseph, maliban sa ipapaalam Niya sa Labindalawa, at maging ang pinakaabang Banal ay malalaman ang lahat ng bagay ayon sa bilis ng kakayahan niyang unawain ito.”1

“Bago ako nabinyagan, hiniling ko sa Ama sa Langit na pagtibayin na totoo ang inihayag Niya sa akin: ang Aklat ni Mormon, ang Word of Wisdom, ikapu,” sabi ni José, na ngayon ay naglilingkod bilang elders quorum president. “Sa pagtatanong sa Kanya makakamit natin ang mga sagot.” (Tingnan sa Moises 1:18.)

Gayunman, dapat nating ihanda ang ating sarili sa pagtanggap ng paghahayag. “Kung gusto nating mabasa, kailangan nating lumusong sa tubig,” sabi ni José. “Kung gusto natin ng paghahayag, dapat tayong pumaroon sa pinagbubuhusan ng paghahayag. Dapat ay naroon tayo sa dapat nating kalagyan, na ginagawa ang dapat nating gawin. Maraming bagay tayong matututuhan kung masigasig tayo.” (Tingnan sa 1 Nephi 15:8–11.)

Tala

  1. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2007), 313.

Larawang kuha ni Adam C. Olson