Oras ng Pagbabahagi
Itinuturo ng mga Banal na Kasulatan ang Plano ng Ama sa Langit
“Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39).
Magagamit ninyo ang lesson at aktibidad na ito upang malaman pa ang tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Kapag pumunta tayo sa isang bayan na hindi pa natin napupuntahan o kapag naglakbay tayo, may mga mapa tayo na makatutulong sa ating makarating doon. Magagabayan at matutulungan tayo ng mga mapang ito para hindi tayo maligaw.
Naghanda ang Ama sa Langit ng “mga mapa” na gagabay sa atin sa buhay. Ang “mga mapang” ito ay ang mga banal na kasulatan. Ito ay sagradong mga aklat na magpapaunawa sa atin kung bakit tayo narito sa mundo at paano tayo makababalik sa piling ng Ama sa Langit.
Itinuturo ng mga banal na kasulatan na bawat isa sa atin ay anak ng Ama sa Langit at namuhay tayo sa piling Niya bago tayo isinilang. Nilikha Niya ang mundo para maging tirahan natin. Isinugo Niya ang Kanyang Anak, ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo, upang mamatay para sa atin at tulungan tayo kapag tayo ay nakagagawa ng mga pagkakamali o nalulungkot o nalulumbay.
Binigyan tayo ng Ama sa Langit ng mga kautusan upang tulungan tayong maging katulad ni Jesucristo. Para masunod ang plano ng Diyos, kailangan nating magsisi kapag nagkakamali tayo, magpabinyag, at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo na papatnubay sa atin araw-araw. Ang plano ng Ama sa Langit ay isang plano ng kaligayahan. Gusto Niyang makabalik tayo kasama ang ating pamilya upang mamuhay sa piling Niya at ng Kanyang Anak na si Jesucristo.
Aktibidad
Basahin ang bawat reperensya sa banal na kasulatan sa pahina 65 at gumuhit ng linya papunta sa katugma nitong larawan. Magagamit ng inyong pamilya ang mga larawang ito sa pagtalakay tungkol sa plano ng kaligtasan sa family home evening.