Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Brazil
Nang mandayuhan sa Brazil si Max Richard Zapf mula sa Germany noong 1913, limang taon na siyang miyembro at siya ang nakilalang unang miyembro ng Simbahan sa Brazil. Matapos humiling ng mga materyal ang isang pamilyang Brazilian mula sa headquarters ng Simbahan, bumisita ang mission president ng South American Mission sa Brazil noong 1927 at nagpadala ng mga misyonero noong 1928. Ang unang misyon ay nilikha sa São Paulo noong 1935, at pagsapit ng 1939 nailathala na ang Aklat ni Mormon sa wikang Portuges.
Ang unang templo sa South America ay inilaan sa São Paulo noong 1978, noong katatapos lamang ipahayag ang tungkol sa pagkakaloob ng priesthood sa lahat ng mga lalaking karapat-dapat. Ang ikalawang pinakamalaking missionary training center ng Simbahan, na nasa São Paulo, ay inilaan noong 1997.
Ang Brazil ang ikatlong bansa (kasunod ng Estados Unidos at Mexico) na umabot sa isang milyon ang mga miyembro.
Ang Simbahan sa Brazil | |
---|---|
Bilang ng mga Miyembro |
1,102,428 |
Mga Mission |
27 |
Mga Stake |
230 |
Mga Ward at Branch |
1,884 |
Mga Templo |
7, kabilang na ang Manaus at Fortaleza Brazil Temple, na ibinalita o kasalukuyang itinatayo |