2011
Ang Ating Pahina
Pebrero 2011


Ang Ating Pahina

Isang araw habang papauwi kami mula sa simbahan, may nadama ako sa aking puso na labis na nagpasaya sa akin. Nadama ko ang patnubay ng Espiritu Santo, at gusto kong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng taong hindi nakakaalam sa kagila-gilalas na gawaing ito na nagpabago sa aking buhay at sa pamilya ko. Pagdating namin sa bahay, pumasok ako sa kuwarto ko at nagbasa sa Aklat ni Mormon. Ang paborito kong banal na kasulatan ay Mosias 2:17, kung saan sinasabi sa akin na kapag pinaglingkuran ko ang iba, naglilingkod ako sa Ama sa Langit.

Roberto C., edad 10, Bolivia

Hinding-hindi ko malilimutan ang kaligayahang nadama ko nang binyagan ako. Ang tatay ko ang nagbinyag sa akin, at kinantahan ako ng mga kapatid ko. Itinanong ng nanay ko kung gusto kong magpatotoo, at sinabi ko sa kanya na gusto kong kumanta ng awitin sa Primary na natutuhan ko na nagpapahayag ng nadarama ko. Kinanta ko ang, “Hanap ko’y bahaghari sa t’wing umuulan, batid ang ganda ng mundong nilinis ng ulan” (“Sa Aking Pagkabinyag,” Aklat ng mga Awit Pambata, 53). Habang kumakanta ako, parang lumulukso sa tuwa ang puso ko! Hinding-hindi ko malilimutan ang mga mukha ng mga kapamilya ko at ang nadama ko noong araw na iyon. Iyon ang pinaka-espesyal na araw sa buhay ko.

Esther F., edad 8, Costa Rica

Elena Z., edad 9, Belarus

Marcelo B., edad 9, naninirahan sa Brazil. Siya ay may patotoo sa Tagapagligtas. Alam niya na si Jesus ay buhay, at alam niya na makababalik siya sa piling ng Ama sa Langit kung susundin niya ang mga kautusan. Gustung-gusto niyang basahin ang mga pahinang pambata sa Liahona.

Ipinararating ng mga batang Primary ng Cabudare Ward, Barquisimeto Venezuela Stake, ang kanilang pagmamahal sa lahat ng batang Primary sa buong mundo. Gustung-gusto nilang kumanta ng mga himno, at nagdarasal sila para sa kanilang mga kaibigan sa Primary at para sa propeta, si Pangulong Thomas S. Monson, at kay Sister Monson.

Joshua A., edad 12, Pilipinas

Nabinyagan ang mga magulang ko bago ako isinilang, kaya buong buhay ko ay nasa Simbahan na ako. Pinangalanan akong Joseph ng tatay ko dahil sa mga dakilang bagay na ginawa ni Propetang Joseph Smith at gayundin ni Joseph [Jose] na ipinagbili sa Egipto. Iniligtas ni Joseph ng Egipto ang marami mula sa taggutom, at ipinanumbalik ni Propetang Joseph Smith ang totoong Simbahan sa mundo. Ang dalawang Joseph na ito ay nagbigay-inspirasyon sa akin na ipamuhay ang ebanghelyo.

Gusto ko ang Primary, at gusto ko ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon. Ang paborito ko ay nasa Alma 8, kung saan sinunod ni Alma ang Panginoon at bumalik siya na kasama si Amulek upang ituro ang ebanghelyo sa mga tao ng Ammonihas. Gusto kong maging misyonero na matiyagang tulad ni Alma.

Joseph O., edad 11, Ghana

Paglalarawan ng pagbibinyag ni James Johnson