2011
Ang Maraming Misyonero sa Buhay Ko
Pebrero 2011


Mga Kabataan

Ang Maraming Misyonero sa Buhay Ko

Sa unang Linggo ng pagsisimba ko kasama ang mga misyonero, nakilala ko ang mga kababata ko at kakilala ko sa komunidad. Nakita ko ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa eskuwelahan, ang mga secretary noong elementary at high school, ang batang babaeng hindi ko pinakitunguhan nang maganda noong araw, pati na ang binatilyo na dati kong crush.

Bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng habambuhay na epekto sa akin. Ang matalik kong kaibigan ay isang dalagitang may matatag na integridad, at dahil sa kanya pinili kong patuloy na siyasatin ang Simbahan. Tinulungan ako ng mga secretary na nakaalala na naging kaeskuwela nila ako na malaman ko na ako ay mahalaga. Nalaman ko ang tungkol sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa mula sa dalagitang tumanggap sa akin kahit hindi ko siya pinakitaan ng mabuti noong araw. Nagpakita ng napakagandang halimbawa ang dati kong crush, kaya nakita ko ang kanyang liwanag at ninais kong makasama siya.

Ang mga karanasang ito ay nakatulong sa akin para malaman, bago ko pa man nakausap ang mga misyonero, na inihanda ako ng Ama sa Langit na tanggapin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng mga taong inilagay Niya sa paligid ko. Mula sa kanila ay nalaman kong malaki ang epekto ng maliliit na bagay na ginagawa natin. Higit sa lahat, nalaman ko na ang gawaing misyonero ay sa akin nagsisimula.