2011
Ginawang Posible ng Pababayad-sala ang Pagsisisi
Pebrero 2011


Ang Ating Paniniwala

Ginagawang Posible ng Pagbabayad-sala ang Pagsisisi

Pumarito tayo sa lupa upang lumago at umunlad. Bumabagal ang ating pag-unlad kapag nagkakasala tayo. Maliban kay Jesucristo, na naging sakdal ang buhay, bawat taong nabubuhay sa mundo ay nagkakasala (tingnan sa Eclesiates 7:20; Mga Taga Roma 3:23; I Juan 1:8).

Ang magkasala ay ang suwayin ang mga utos ng Diyos. Kung minsan nagkakasala tayo sa paggawa ng isang bagay na alam nating mali, ngunit kung minsan ay nagkakasala tayo sa hindi paggawa ng alam nating tama (tingnan sa Santiago 4:17).

Bawat utos ng Diyos ay nagpapala sa atin kung susundin natin ito (tingnan sa D at T 130:20–21). Gayunman, kung susuwayin natin ito, may kaakibat itong parusa (tingnan sa Alma 42:22). Ang paglalapat ng pagpapala o parusa ay tinatawag na katarungan.

Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit, ginawa Niyang posible na makapagsisi tayo: na ipagtapat at talikuran ang ating mga kasalanan at sa gayon ay mapaglabanan natin ang mga epekto nito. Isinugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesucristo upang magdusa para sa ating mga kasalanan. Ibig sabihin, binayaran ni Jesus ang kaparusahang hinihingi ng katarungan dahil sa pagsuway natin sa mga utos ng Diyos. Dahil nagdusa ang Tagapagligtas para sa ating mga kasalanan, hindi na natin kailangang pagdusahan ang buong kaparusahan sa mga ito kung magsisisi tayo (tingnan sa D at T 19:16). Ang Kanyang Pagbabayad-sala ay “[tinugon] ang mga hinihingi ng katarungan” (Mosias 15:9), at tinulutan ang Ama sa Langit na buong awa tayong patawarin at pigilin ang kaparusahan.

Ang pagsisisi ay kaloob ng Diyos sa atin. Kailangan ito para sa ating kaligayahan sa buhay na ito. Sa pamamagitan ng pagsisisi nagiging malinis tayong muli, kaya makakabalik tayo sa ating Ama sa Langit (tingnan sa Moises 6:57).

Kabilang sa proseso ng pagsisisi ang sumusunod:

Si Jesucristo ay nagdusa para sa ating mga kasalanan sa Halamanan ng Getsemani at sa krus. Ganito ang sabi Niya tungkol sa Kanyang pagdurusa, “[Ito ay naging] dahilan upang ang aking sarili, maging ang Diyos, ang pinakamakapangyarihan sa lahat, na manginig dahil sa sakit, at labasan ng dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng balat, at magdusa kapwa sa katawan at sa espiritu” (D at T 19:18).

Mga paglalarawan ni Steve Bunderson