Pagdadala sa Tahanan ng Natutuhan sa Primary
Itinuturo sa Akin ng mga Buhay na Propeta na Piliin ang Tama
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito upang marami pang matutuhan tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Pinanood ni Cristina si Pangulong Thomas S. Monson sa screen sa kanyang stake center noong pangkalahatang kumperensya. Nagsasalita ito tungkol sa pagiging mabait sa iba. Maganda ang pakiramdam ni Cristina habang nakikinig siya. Alam niyang si Pangulong Monson ay propeta ng Diyos. Naisip niya si Leah, ang bata sa paaralan na masungit sa kanya. Naisip niya na magiging mabait siya kay Leah at sisikapin niyang kaibiganin ito. Gusto ni Cristina na sundin ang mga turo ng propeta.
Bago ipinako sa krus si Jesucristo, tinawag Niya si Apostol Pedro para mamuno sa Kanyang Simbahan. Tumanggap ng paghahayag si Pedro para sa Simbahan at inakay niya ang mga tao ni Cristo sa tamang landas. Ngayon, pinamumunuan ni Pangulong Thomas S. Monson ang Simbahan, gaya ng ginawa ni Pedro noon.
Makinig na mabuti kapag nagsasalita ang propeta. Ang kanyang mga turo ay makakatulong sa mga problema at hamong kinakaharap ninyo. Lagi niya kayong aakayin sa tamang landas, at pagpapalain kayo kapag sumunod kayo sa kanya.