2012
Isang Nagbibigay-Inspirasyong Talata
Marso 2012


Isang Nagbibigay-Inspirasyong Talata

Hannah M., Philippines

Tuwing gusto kaming bigyan ni Inay ng isang nagbibigay-inspirasyong mensahe mula sa mga banal na kasulatan, binabanggit niya ang Alma 37:37. Maraming beses na niya itong naibahagi kaya’t kapag sinisimulan na niya itong basahin, sumasabay kami sa kanya sa pagbigkas dahil naisaulo na namin ito.

Madalas akong magtaka kung bakit lagi niyang ibinabahagi iyon sa amin—oo, alam na namin na kailangan kaming magdasal at magpasalamat sa aming pang-araw-araw na buhay. Ngunit ang lubos na nakaantig sa puso ko ay nang matanto ko sa huli na gusto lang ni Inay na hindi namin malimutan kailanman na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay laging nakamasid sa amin.

Tuwing nariyan ang hirap at mga pagsubok, hindi ko nalilimutang basahin ang talatang iyon. Palagi kong naaalala kung gaano tayo kamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Kailangan kong ipagpasalamat ang lahat ng pagpapalang natatanggap ko. Lagi kong maaalala kung paano binago ni Inay ang aking pananaw sa pananalangin at sa pagpapasalamat maging sa oras ng mga pagsubok.