Sulok ng Pag-aaral
Mga Paghahambing: Pagsisisi
Ang mga tagapagsalita sa kumperensya kadalasan ay nagtuturo ng ilan sa mga alituntuning ito. Narito ang sinabi ng apat na tagapagsalita tungkol sa pagsisisi. Sikaping maghanap ng iba pang mga paghahambing habang pinag-aaralan ninyo ang mga mensahe sa kumperensya.
-
“Kung nagkamali ang sinuman sa inyo sa inyong buhay, gusto kong maunawaan ninyo nang walang pag-aalinlangan na may paraan pabalik. Ito ang tinatawag na pagsisisi.”1—Pangulong Thomas S. Monson
-
“Maaaring minsan ay naiisip ninyo na hindi kayo karapat-dapat iligtas dahil nagkasala kayo, malaki man o maliit, at inaakala ninyong naligaw na kayo ng landas. Hindi iyan totoo kailanman! Tanging sa pagsisisi mapagagaling ang dinaramdam natin.”2—Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
“Sinuman kayo at anuman ang nagawa ninyo, mapapatawad kayo. … Ito ang himala ng kapatawaran; ang himala ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo.”3—Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
“Sa pamamagitan ng pagsisisi lamang natin nakakamtan ang biyaya ng pagbabayad-sala ni Jesucristo at ang kaligtasan. Ang pagsisisi ay isang banal na kaloob, at dapat ay may ngiti sa ating mukha kapag pinag-uusapan natin ito.”4—Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol