Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian
Gumagawa ng Kaibhan
Sa paunang salita ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society, hinikayat ng Unang Panguluhan ang mga mambabasa na “pag-aralan ang aklat na ito at hayaang mabigyang-inspirasyon ng walang-hanggang mga katotohanan at nakaaantig na mga halimbawa nito ang inyong buhay.”1 Ang sumusunod ay mga patotoo mula sa ilang lalaki at babaeng nagawan ng kaibhan ng aklat na ito na puno ng inspirasyon:
“Tunay na may diwa sa aklat na ito. Talagang nadama kong binabago nito ang puso ko.”—Shelley Bertagnolli
“Ang pagbabasa ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian ay nagbigay-inspirasyon sa akin na maging mas mapagmahal na asawa at ama at tuparin ang aking mga tipan nang may higit na katapatan.”—Aaron West
“Nang mabasa ko ang tungkol sa kababaihan ng Relief Society sa Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian, naging totoo sila sa akin at nadama ko ang kanilang pananampalataya. Alam nila na kapag naglingkod tayo sa kapwa nang may dalisay na pag-ibig ni Cristo, nagiging katulad tayo ng nais ng Panginoon. Iyan ang layunin ng Relief Society, at angkop ito sa lahat—may asawa man o wala, bata o matanda. Angkop ito sa akin.”—Katrina Cannon
“Tumira ako sa Chile, Argentina, Brazil, at Estados Unidos, ngunit saanman ako magtungo, alam ko na bahagi ako ng isang napakagandang samahan ng kababaihan—isang pamana ng matatag at tapat na kababaihan.”—Marta Bravo
“Ang paggawa ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian bilang graphic designer ay isang natatangi at pambihirang karanasan. Sa unang pulong namin, pinatotohanan sa amin ni Sister Julie B. Beck, Relief Society general president, na ang aklat ay lalabas sa ilalim ng paghahayag at tagubilin ng mga buhay na propeta. Simula sa unang araw na iyon, paghahayag ang gumabay sa lahat. Tuwing babasa ang isa sa amin mula sa mga pahina ng aklat, naaantig kami ng Espiritu at naging mas mabuti kami. Nangyari iyon sa akin, at nakita ko itong mangyari sa mga editor, designer, illustrator, production artist, at empleyado sa limbagan.”—Tadd Peterson
“Nalaman ko na bahagi ako ng isang mas mabuting bagay. Kapag humuhugot ako ng lakas sa Relief Society, maaari din akong maging mas mabuti.”—Jeanette Andrews
“Ang kasaysayang ito ay isang mabisang sangguniang makakatulong sa kalalakihan at kababaihan sa buong mundo na maunawaan ang kahalagahan ng kababaihan bilang mga anak ng Diyos at ang mahalagang papel nila sa Kanyang kaharian.”—Susan Lofgren
“Minsan ay naisip ko na kailangan kong maging katulad nilang lahat. Alam ko na ngayon na bawat babae ay iba ang mga sitwasyon, kalakasan, at kahinaan, ngunit bawat babae ay mahalaga.”—Nicole Erickson
“Malaki ang epekto sa akin ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian bilang bishop. Pinatototohanan ko ang malaking kapangyarihang dumarating kapag nagtutulungan ang Relief Society at priesthood.”—Mark Staples.