2012
Ang Ating Pahina
Marso 2012


Ang Ating Pahina

Nastya L., edad 12, Ukraine

Tina M., edad 10, Congo

Pinag-alab ng Espiritu ang Aking Puso

Gustung-gusto kong nagsisimba. Nadarama ko roon ang Espiritu. Isang araw sa Primary pinag-usapan namin ang mga makabagong propeta. Kalaunan ay pinanood ko ang pelikulang Pamana sa bahay, at nagustuhan ko ang kuwento ni Propetang Joseph Smith. Habang pinanonood ko ang tagpo na ibinalita ng isang lalaki ang pagkamatay ng Propeta, nalungkot talaga ako. At pinag-alab ng Espiritu ang aking puso, at nadama ko na talagang propeta ng Diyos si Joseph Smith at ibinalik niya ang totoong Simbahan.

Noong Enero nasa templo ako sa Guayaquil, Ecuador, kasama ang marami sa aking mga kapamilya. Labis kong nadama ang kapayapaan at kaligayahan kaya’t ayaw kong umuwi noong oras na para umuwi.

Alam ko na buhay ang Ama sa Langit at mahal Niya tayo, na si Jesus ang daan para makabalik sa Kanya, at na si Joseph Smith ay isang propeta.

Aron C., edad 10, Colombia

Ang Pagbabayad ng Ikapu ay Nagpapasaya sa Akin

Tinutulungan ko si Itay sa paglilinis ng bahay namin, at tumatanggap ako ng pera buwan-buwan sa pagtulong. Sa halip na ubusin ko ang pera ko, itinatabi ko ang 10 porsiyento para sa ikapu at ibinibigay ito sa bishop. Maganda ang pakiramdam ko matapos kong bayaran ng aking ikapu dahil alam kong ang pera ay mapupunta sa pangangalaga ng chapel at sa pagbili ng mga aklat at marami pa ibang bagay. Alam kong si Jesucristo ang nagbigay sa atin ng lahat ng bagay, at kapag nagbabayad tayo ng ikapu, ibinabalik natin ito sa Kanya. Masaya ako kapag nagbabayad ako ng aking ikapu.

Nicholas P., edad 5, Brazil

Gustung-gusto kong magpunta sa templo, at sabik na akong maging 12 taong gulang para matanggap ko ang priesthood at makapunta sa templo para magsagawa ng mga binyag para sa mga patay.

Humberto V., edad 11, Mexico