Paano Napalakas ang Visiting Teaching?
Ang sumusunod ay isang buod ng mga pagbabago sa visiting teaching program. Hinihikayat namin ang mga pinuno at visiting teacher ng Relief Society na basahin ang kabanata 9 ng Handbook 2: Administering the Church upang marepaso ang partikular na mga detalye sa mga pagbabagong ito. Hinihikayat din namin kayong basahin ang kabanata 7 ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society para magkaroon ng pananaw, ideya, at pag-unawa sa kapangyarihan ng paglilingkod at sa mahalagang papel nito sa visiting teaching. (Ang dalawang aklat na ito ay matatagpuan online sa LDS.org.)
PAG-AATAS sa mga Visiting Teacher | |
---|---|
1. Ang Relief Society presidency, hindi lamang ang pangulo, ang responsable sa mga visiting teacher. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.2.2. |
2. Kapag ang miyembrong babae ay binigyan ng visiting teaching assignment ng isang pinuno ng Relief Society, tinutulungan ng pinuno ang babaeng iyon na maunawaan na ang visiting teaching ay isang mahalagang espirituwal na responsibilidad na gagampanan. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5; 9.5.1. |
3. Patuloy na sinasanay ng Relief Society presidency ang mga visiting teacher kung paano maging mas epektibo sa paglilingkod sa mga binibisita nila. Ang pagsasanay ay maaaring ibigay sa Relief Society sa unang Linggo ng buwan o sa iba pang pulong ng Relief Society. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5. |
Pagsasanggunian | |
---|---|
1. Regular na pinupulong ng Relief Society presidency ang mga visiting teacher upang talakayin ang espirituwal at temporal na kapakanan ng mga nangangailangan at magplanong tulungan sila. Maaaring tulungan ng mga visiting teacher ang Relief Society presidency sa pagsasaayos ng pansamantala o matagalang paglilingkod sa kababaihang nangangailangan. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5; 9.5.1; 9.5.4. |
2. Regular na nagsasanggunian ang Relief Society presidency upang talakayin ang espirituwal at temporal na kapakanan ng mga nangangailangan. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.3.2; 9.5.4. |
3. Sa mga pulong ng ward o branch council, nagbabahagi ng angkop na impormasyon ang Relief Society president mula sa mga ulat sa visiting teaching para makapagsanggunian ang mga lider ng ward o branch kung paano tutulungan ang may mga espirituwal at temporal na pangangailangan. |
Tingnan sa Handbook 2, 4.5.1; 5.1.2; 6.2.2. |
4. Maaaring anyayahan ng bishop o branch president ang Relief Society president sa mga pulong ng ward o branch priesthood executive committee (PEC) kung kailangan upang maisaayos ang mga home teaching at visiting teaching assignment. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.3.1. |
5. Regular na nagpupulong ang Relief Society presidency at lider ng young single adult upang matiyak na nakakatulong ang mga visiting teaching assignment na matugunan ang mga pangangailangan ng mga young single adult. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.7.2; 16.3.3. |
Pag-oorganisa at Pagsubaybay sa Visiting Teaching | |
---|---|
1. Nagsasanggunian ang bishop o branch president at ang Relief Society presidency at mapanalanging pinag-uusapan ang mga pangangailangan sa lugar upang malaman kung paano isasagawa ang visiting teaching. (Hindi dapat igrupu-grupo ang kababaihan para sa visiting teaching dahil tumutulong sila sa mga pangangailangan ng bawat tao.) Inaaprubahan ng bishop o branch president ang bawat assignment. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5.2. |
2. Kung maaari, inaatasan ng presidency nang dala-dalawa ang kababaihan. Ang Handbook 2 ay naglalaan ng iba pang mga opsiyon sa pagtugon sa mga lokal na pangangailangan. Sumasangguni ang presidency sa bishop o branch president tungkol sa paggamit ng sumusunod na mga opsiyon: a. Mga home teacher o mga visiting teacher lamang ang pansamantalang atasan sa ilang pamilya. O maaaring pagsalit-salitin ng mga lider ang mga home teacher at visiting teacher sa mga buwanang pagbisita. b. Magpatulong sa mga full-time sister missionary sa visiting teaching sa ilang bagay, kapag inaprubahan ng mission president. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5.2; 9.5.3. |
3. Ang visiting teaching ay hindi lamang isang buwanang pagbisita; ito ay paglilingkod. Para masubaybayan at mapalakas ang kababaihan sa kanilang mga pangangailangan, patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga visiting teacher sa pamamagitan ng pagbisita, pagtawag sa telepono, pag-e-mail, pagsulat ng liham, o iba pang mga paraan. Binibigyan ng mga pinuno ng espesyal na prayoridad ang pagtiyak na napapangalagaan ang sumusunod na kababaihan: kababaihang papasok sa Relief Society mula sa Young Women, mga dalaga, bagong miyembro, bagong binyag, bagong kasal, di-gaanong aktibo, at yaong may mga espesyal na pangangailangan. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5.1; 9.5.2. |
Pag-uulat ng Visiting Teaching | |
---|---|
1. Ipinapaulat sa mga visiting teacher ang mga espesyal na pangangailangan at paglilingkod na ibinigay—sa madaling salita, ang kanilang paglilingkod. Pahalagahan ang nagawang pangangalaga sa halip na bilangin lang ang mga nabisita. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5.4. |
2. Ang Relief Society president ay nagbibigay sa bishop o branch president ng buwanang ulat sa visiting teaching. Kasama sa ulat na ito ang mga espesyal na pangangailangan at paglilingkod na ibinigay ng mga visiting teacher at isang listahan ng kababaihang hindi nakontak. |
Tingnan sa Handbook 2, 9.5.4. |