2013
Bakit napakahalaga ng family history?
Hulyo 2013


Natatanging Saksi

Bakit napakahalaga ng family history?

Hango sa “Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Liahona, Nob. 2011, 24–27.

Elder David A. Bednar

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.

Ipinahayag ni Propetang Joseph Smith na ang ating “pinakamalaking responsibilidad sa mundong ito … ay ang saliksikin at kilalanin ang ating mga patay.”1

Ang family history ay isang mahalagang bahagi ng gawain para sa kaligtasan at kadakilaan.

May responsibilidad tayo sa tipan na saliksikin ang ating mga ninuno at ilaan sa kanila ang nakapagliligtas na mga ordenansa ng ebanghelyo.

Inaanyayahan ko ang mga kabataan ng Simbahan na matutuhan at maranasan ang Diwa ni Elijah.2

Hinihikayat ko kayong mag-aral, na saliksikin ang inyong mga ninuno, at ihanda ang inyong sarili na magpabinyag sa templo para sa inyong mga namatay na kaanak.

Sa pagtugon ninyo nang may pananampalataya sa paanyayang ito, ang inyong puso ay babaling sa mga ama.

Ang pagmamahal at pasasalamat ninyo sa inyong mga ninuno ay mag-iibayo.

Kayo ay pangangalagaan sa inyong kabataan at sa habambuhay.

Ang inyong patotoo at pananalig sa Tagapagligtas ay lalalim at mananatili.