2015
Pagtulong sa Isang Bagong Kaibigan
Pebrero 2015


Pagtulong sa Isang Bagong Kaibigan

Isang batang babae ang lumipat sa klase namin sa paaralan sa kalagitnaan ng taon. Iba ang hitsura at pagsasalita niya kaysa sa ibang mga estudyante. Ilang beses na siyang nagpalipat-lipat ng tirahan at hirap siyang makipagkaibigan. May malulungkot na bagay na nangyayari sa kanyang pamilya at pumapasok siya sa klase na umiiyak kung minsan. Alam ko na gusto kong subukang tulungan ang batang ito, pero hindi ako gaanong sigurado kung ano ang dapat kong gawin dahil hindi siya palakibo sa ibang mga bata. Ipinagdasal ko kung ano ang dapat kong gawin at nadama ko ang bulong ng Espiritu Santo na dapat ko lang sikaping kaibiganin siya.

Tinulungan ko siya sa mga gawain niya sa paaralan, at sinabi ko sa kanya na binigyan siya ng ating Ama sa Langit ng mga espesyal na talento para gamitin at ibahagi niya sa iba. Niyaya ko siyang makipaglaro sa amin ng iba pang mga estudyante sa rises. Ilang buwan pagkaraan, sinabi niya na ako ang unang-una niyang kaibigan.

Kinailangan niyang lumipat na muli ng tirahan, at talagang nalungkot ako. Hiniling ko sa school secretary na padalhan siya ng liham sa bago niyang address. Sa liham, sinabi ko sa kaibigan ko na nangungulila ako sa kanya at na mananatili kaming magkaibigan. Nagdrowing ako ng mga larawan namin na naglalaro kami at ipinaalala ko sa kanya ang ilan sa kanyang mga talento. Sinabi ko sa kanya na dapat siyang maging matapang at sikapin niyang magkaroon ng bagong kaibigan dahil makakatulong siya sa ibang tao. Ipinagdasal ko na makakita siya ng kaibigan sa bago niyang paaralan at na maging mabait sa kanya ang ibang mga bata.

Alam ko na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, at nagpapasalamat ako na tinutulungan Niya tayong tulungan ang bawat isa sa kanila.