2015
Bininyagan si Jesus
Pebrero 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Bininyagan si Jesus

Ang mga awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Ano kaya ang pakiramdam ng makitang binibinyagan si Jesus? Sinasabi sa atin ng Bagong Tipan ang naganap sa banal na araw iyon.

“Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan niya.

“At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at, narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya:

“At narito, ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:13, 16–17).

Sa espesyal na araw na ikaw ay bininyagan at kinumpirma, sinusunod mo si Jesucristo. Naging para kang bagong tao—nangako ka na laging aalalahanin at susundin si Jesucristo, naging miyembro ka ng Kanyang Simbahan, natanggap mo ang kaloob na Espiritu Santo, at lubos kang naging malinis. Ang Ama sa Langit ay labis na nalulugod sa iyo. Ang binyag ang nagbubukas ng pintuan patungo sa landas na umaakay sa atin pabalik sa Ama sa Langit.