Mga Kabataan
Ang Pagbabago ng Aking Puso
Ang awtor ay naninirahan sa Fortaleza, Brazil.
Nang una kong nalaman ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo, nadama ko na pinatotohanan ng Espiritu ang katotohanan nito. Sa pamamagitan ng panalangin, mas tumibay pa ang aking patotoo, at nagpasiya akong magpabinyag.
Di-nagtagal matapos akong mabinyagan, sinimulan na akong tanungin ng mga tao sa aking ward kung gusto kong magmisyon. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin. Ang ideyang iwanan ang aking pamilya at pag-aaral para magmisyon ay tila kakatwa.
Pagkatapos isang araw ay sinimulan kong pag-isipan ang aking pagbabalik-loob. Naalala ko ang mga missionary na nagturo sa akin, na matiyagang sinagot ang aking mga tanong at tinulungan akong unawain ang ebanghelyo. Natanto ko na kung hindi sa tulong nila, hindi ko matutuklasan kailanman ang tunay na Simbahan. Nang matanto ko iyon, umusbong sa puso ko ang hangaring maglingkod. Nadama kong sinasabi sa akin ng Espiritu na dapat akong maglingkod sa full-time mission.
Alam ko na ang gawaing misyonero ay gawain ng ating Ama sa Langit at na makakatulong tayong magdala ng mga kaluluwa sa kamangha-manghang kaalaman tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo.