2015
Nagbigay ng Mensahe si Juliana
Pebrero 2015


Para sa Maliliit na Bata

Nagbigay ng Mensahe si Juliana

Si Juliana ay medyo takot na magbigay ng mensahe sa Primary.

Niyakap ni Lola si Juliana. “Tutulungan ka ng Ama sa Langit,” bulong niya.

Nang siya na ang magsasalita, nakita ni Juliana ang kanyang mga kaibigan, guro, at Lolo at Lola na nakangiting lahat sa kanya. Pagkatapos ay nagsalita na siya.

“Ako ay anak ng Diyos. Ipinapakita ko na mahal ko ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol kay Jesus, pagdarasal, at pagtulong sa pamilya ko. Alam ko rin na mahal ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”

Matapos ang Primary, mahigpit na niyakap ni Juliana si Lola. “Hindi po ako natakot,” sabi niya. “Alam ko po na tinulungan ako ng Ama sa Langit.”