2015
Mga Kabatiran
Pebrero 2015


Ano ang problema sa pagtutuon sa mga kapintasan ng iba?

“Habang naglalakad ang [isang] lalaki sa tapat ng bahay ng kanyang kapitbahay, napansin niya sa gitna ng magandang harding ito ang nag-iisa at napakalaking dilaw na damong dandelion. … Bakit hindi ito binunot ng kanyang kapitbahay? Hindi ba niya ito nakita? … Labis [na] ikinabahala [ng lalaki] ang dandelion na ito, at gusto niyang gumawa ng paraan. Dapat ba niyang basta bunutin na lang ito? O bombahan kaya ito ng pamatay ng damo? Siguro kung patago siyang kikilos sa gabi, mabubunot niya ito nang palihim. Ito ang laman ng isip niya habang naglalakad siya pauwi. Pumasok siya sa bahay niya nang hindi man lang sinusulyapan ang sarili niyang hardin—na natatakpan ng daan-daang dilaw na dandelion. … Hindi ko tiyak kung bakit napakahusay na nasusuri at nalulunasan natin ang mga kahinaan ng iba, samantalang madalas ay hirap tayong makita ang sarili nating kahinaan.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangawalang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Ako Baga, Panginoon?” Liahona, Nob. 2014, 56.