Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.
“Bininyagan si Jesus,” pahina 74: Isiping simulan ang inyong family home evening sa pagkanta ng “Nang Binyagan si Cristo” (tingnan sa pahina 73). Maaari ninyong sama-samang basahin ang salaysay sa Biblia tungkol sa binyag ni Jesus at anyayahan ang nabinyagan nang mga miyembro ng pamilya na ibahagi ang kanilang nadama at natutuhan nang sila ay mabinyagan at makumpirma. Habang magkakasama kayong nagbabasa at nagbabahagi ng mga patotoo, ipaunawa sa inyong mga anak ang mga tipang nauugnay sa binyag. Maaari ninyong gamitin ang mga tanong tungkol sa banal na kasulatan na inilaan sa artikulong ito habang tinuturuan ninyo ang inyong mga anak tungkol sa mga tipan sa binyag.
“Tunay na Pagmamahal,” pahina 80: Sa loob ng isang linggo, hilingin sa isang kapamilya na maghanap ng mga simpleng pagpapakita ng kabaitan sa bawat araw. Sa family home evening, ipabahagi sa kapamilyang iyon ang napansin niya sa buong linggo. Tulad ng sabi ni Elder Wirthlin sa kanyang mensahe, “Pagmamahal ang simula, gitna, at katapusan ng landas ng pagkadisipulo.” Isiping gumawa ng simpleng drowing na nagpapakita ng isang landas na nahahati sa maraming maliliit na bahagi. Ipaliwanag na para sa bawat kabaitang ipakita nila—malaki man o maliit—maaaring kulayan ng mga miyembro ng pamilya ang isang bahagi ng landas. Kapag nagsikap ang inyong pamilya na magpakita ng pagmamahal sa iba, susulong kayo sa landas ng pagkadisipulo.