Pangako ng Propeta
Paghahayag
“‘Ang paghahayag ay patuloy sa Simbahan: tinatanggap ito ng propeta para sa Simbahan; ng president para sa kanyang stake, mission, o korum; ng bishop para sa kanyang ward; ng ama [at ina] para sa [kanilang] pamilya; ng indibiduwal para sa kanyang sarili.’1
“Pinatototohanan ko na ito ay totoo. …
“Ang Diyos ay nagbubuhos ng paghahayag, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa Kanyang mga anak. Nangungusap Siya sa Kanyang propeta sa lupa, na ngayon ay si Thomas S. Monson. Pinatototohanan ko na hawak at ginagamit niya ang lahat ng susi ng priesthood sa lupa.”
Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Patuloy na Paghahayag,” Liahona, Nob. 2014, 73.