2015
Sundin ang Ginintuang Aral
Pebrero 2015


Mga Tampok na Doktrina

Sundin ang Ginintuang Aral

Mother and two children in a train station.  They are talking to a young woman that is sitting on the same bench they are.

“Ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat maging halimbawa ng paggalang. Dapat nating mahalin ang lahat ng tao, pakinggan silang mabuti, at isaalang-alang ang tapat nilang pinaniniwalaan. Hindi man tayo sumasang-ayon, hindi rin tayo dapat nakikipagtalo. Ang pananaw at pagsasalita natin tungkol sa mga kontrobersyal na paksa ay hindi dapat maging dahilan ng pagtatalo. Dapat nating ipaliwanag at panindigan ang ating pinaniniwalaan nang may katalinuhan at impluwensyahan sa kabutihan ang mga tao. Sa paggawa nito, hangad nating huwag makasakit sa iba ang tapat nating paniniwala sa ating relihiyon at ang kalayaan nating gawin ito. Hinihikayat natin ang lahat na sundin ang Ginintuang Aral ng Tagapagligtas: ‘[Anumang] bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila’ (Mateo 7:12).”

Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Liahona, Nob. 2014, 27.