2016
Isang Kuwento tungkol kay Story
October 2016


Mga Batang Naninindigan

Isang Kuwento tungkol kay Story

Larawan
a story about Story

Hello, mga kaibigan!

Ako si Story. Nakatira ako sa Turkmenistan. Isang bansa iyon sa Central Asia. Mahilig akong magbasa, magdrowing, at manahi. Mahilig akong masdan ang mga bituin kasama si itay. Kami lang ng aking pamilya ang mga miyembro ng Simbahan sa buong bansa!

Pagdarasal para kay Missy

Isang araw pagkaraan ng isang malakas na unos, nawala ang pusa ng kaibigan ko na si Missy. Naghanap kami sa buong paligid, pero hindi namin siya matagpuan. Sinabi ko na maaari kaming magdasal. Hindi marunong ang mga kaibigan ko, kaya tinuruan ko sila. Lumuhod kaming lahat at umusal ng sarili naming panalangin. Pagkatapos ay tumindig kami at nagsimulang maghanap ulit. Patakbong lumapit sa amin ang isang batang babae at sinabi nito na natagpuan niya si Missy! Masaya ako na naibahagi ko nang kaunti ang ebanghelyo sa mga kaibigan ko.

Pagkatuto mula sa Isa’t Isa

Pumasok kami ng kapatid kong si Saria sa isang paaralan na ang mga estudyante ay nagmula sa maraming bansa. Nagustuhan naming matuto mula sa isa’t isa at magsaya.

Crafts at kasayahan

Inimbitahan namin ni Saria ang aming mga kaibigan na maglaro. Nagpintura kami, gumawa ng crafts, at nagpiknik. Pagsapit ng Kapaskuhan nagkaroon kami ng pageant kasama ang mga kaibigan namin sa aming purok.

Simbahan sa Tahanan

Dahil kami lang ang mga miyembro ng Simbahan, sa bahay kami nagdaos ng samba. Nagkaroon kami ng sacrament meeting, oras ng kantahan, oras ng pagbabahagi, at mga Primary lesson. Ako ang tumugtog ng piano para sa oras ng kantahan.

Print