2016
Paano Gawing Sentro ng Ating Buhay si Cristo
October 2016


Mga Sagot mula sa mga Pinuno ng Simbahan

Paano Gawing Sentro ng Ating Buhay si Cristo

Mula sa debosyonal sa Brigham Young University–Idaho na ibinigay noong Enero 27, 2009.

Larawan
holding the Book of Mormon

Nakamtan ni Jesus ang lubos na pakikiisa sa Ama sa pamamagitan ng Kanyang pagpapasakop, kapwa sa katawan at sa espiritu, sa kalooban ng Ama. Patungkol sa Kanyang Ama, sinabi ni Jesus, “Ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya’y nakalulugod” (Juan 8:29). Dahil kalooban ng Ama, nagpasakop si Jesus maging hanggang kamatayan, na “ang kalooban ng Anak ay [n]apasasakop sa kalooban ng Ama” (Mosias 15:7). Ang pagtutuon Niya ng pansin sa Ama ay isa sa mga pangunahing dahilan kaya malinaw at makapangyarihan ang ministeryo ni Jesus. Hindi Siya nagdalawang-isip.

Sa gayon ding paraan, kayo at ako ay maaaring ilagay si Cristo sa sentro ng ating buhay at maging kaisa Niya tulad ng pakikiisa Niya sa Ama (tingnan sa Juan 17:20–23). Makapagsisimula tayo sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng bagay sa ating buhay at pagkatapos ay pagsama-samahin itong muli ayon sa tamang prayoridad na nasa sentro ang Tagapagligtas. Uunahin muna nating ilagay sa lugar ang mga bagay na laging magpapaalala sa atin sa Kanya—madalas na pagdarasal, pag-aaral at pagbubulay tungkol sa mga banal na kasulatan, pinag-isipang pag-aaral tungkol sa mga turo ng mga apostol, lingguhang paghahanda para marapat na makibahagi ng sakramento, pagsamba sa araw ng Linggo, at pagtatala at pag-alaala ng itinuturo sa atin ng Espiritu at ng karanasan tungkol sa pagiging disipulo. Maaaring may iba pang mga bagay na papasok sa inyong isipan na akma lalo na sa inyo sa puntong ito ng inyong buhay. Kapag nagkaroon na ng sapat na oras at paraan para sa mga bagay na ito, para maisentro ang ating buhay kay Cristo, maaari nating simulang idagdag ang iba pang mga responsibilidad at ang mga bagay na mahalaga kung itutulot ng panahon at kabuhayan, tulad ng pag-aaral, mga responsibilidad sa pamilya, at personal na propesyon. Sa ganitong paraan hindi masasapawan ng mabubuting bagay lamang ang mga bagay na mahalaga sa ating buhay, at ang mga bagay na di-gaanong mahalaga ay hindi mabibigyan ng prayoridad o lubusan nang maglalaho.

Bagama’t maaaring hindi madali, palagi tayong makakasulong nang may pananampalataya sa Panginoon. Mapapatunayan ko na sa paglipas ng panahon ay lalago ang hangarin at kakayahan ng isang tao na laging alalahanin at sundin ang Tagapagligtas. Dapat nating matiyagang pagsikapan ang layuning iyon at laging manalangin na makahiwatig at mabigyan ng tulong ng langit na kailangan natin (tingnan sa 2 Nephi 32:9).

Print