2016
Paglalayag Patungo sa Lupang Pangako
October 2016


Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Paglalayag Patungo sa Lupang Pangako

Mula sa Eter 2–3; 6

Larawan
traveling to the promised land 1
Larawan
traveling to the promised land 2
Larawan
traveling to the promised land 3

Si Jared at ang kanyang kapatid ay nakatira sa isang lambak kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Binisita ni Jesucristo ang kapatid ni Jared. Sinabihan Niya ito na bumuo ng mga sasakyang-dagat para itawid ng karagatan ang kanyang mga tao patungo sa lupang pangako.

Ang mga tao ay bumuo ng mga sasakyang-dagat na walang mga bintana. Nag-alala ang kapatid ni Jared kung paano sila makakahinga at makakatingin sa labas. Sinabi ni Jesus na dapat nilang butasan ang mga sasakyang-dagat para pumasok ang hangin.

Pero paano magkakaroon ng liwanag sa loob? Gumawa ang kapatid ni Jared ng 16 na malilinaw na bato. Hiniling niya kay Jesus na hipuin ang mga ito ng Kanyang daliri upang kuminang.

Nakita ng kapatid ni Jared ang paghipo ng daliri ni Jesus sa bawat bato. Kuminang nang husto ang mga bato. Dahil labis ang pananampalataya niya, nakita ng kapatid ni Jared si Jesucristo!

Nagsugo ang Diyos ng malalakas na hangin para hipan ang mga sasakyang-dagat patawid ng karagatan. Pagdating nila sa lupang pangako, nagdasal ang mga Jaredita upang pasalamatan ang Diyos sa pagprotekta sa kanila.

Maaari nating tularan ang kapatid ni Jared kapag nagtiwala tayo sa Diyos at nanampalataya tayo kay Jesucristo.

Print