Ang Ating Pahina
Templo’y Ibig Naming Makita
Habang idinodrowing ko ito, inisip ko na kung susundin ko ang mga kautusan, makakapasok ako sa templo balang-araw, gaya ng mga magulang ko, at mabubuklod at magkakaroon ng sarili kong walang-hanggang pamilya. Mahal ko ang aking pamilya at ang Ama sa Langit.
Manolita G., edad 8 (nang idrowing ito), Chimaltenango, Guatemala
Napakasarap magpunta sa templo kasama ang pamilya ko. Mahaba ang biyahe mula sa lungsod namin papunta sa templo—halos 14 na oras. Isang linggo ang ginugol namin malapit sa templo. Nasasabik akong mag-edad 12 para makapagpabinyag na ako para sa aking mga ninuno. Isa sa mga paborito kong awitin ang “Templo’y Ibig Makita.” Nais kong makasal sa templo at magkaroon ng isang walang-hanggang pamilya. Alam ko na ang templo ang bahay ng Panginoon.
Júlia Q., edad 11 (nang kunan ang retratong ito), Goiás, Brazil
Gusto ko at ng nakababatang kapatid ko na magpunta sa templo sa Merida, Yucatan, Mexico, tuwing inaatasan ang ward namin na magpunta roon. Magkasama kami sa mga hardin, at nakikipaglaro kami sa iba pang mga batang nagpupunta sa templo. Naghahanda akong pumasok sa templo balang-araw.
Martha S., edad 6 (nang idrowing ito), Yucatán, Mexico
Ni Allen E., edad 10 (nang idrowing ito), San Salvador, El Salvador