2019
Reykjavík, Iceland
Abril 2019


Narito ang Simbahan

Reykjavík, Iceland

reykjavik

Kasama ang maniyebeng bundok Esja sa background, ang Reykjavík, ang makulay na kabisera ng Iceland, ay nagbibigay ng pagbati sa isang islang bansang mahigit 1,000 milya (1,609 km) mula sa mainland ng Europa. Unang tinirhan ng mga Viking noong AD 874, ang Reykjavík ang sentro ng pangkultura, pangkabuhayan, at panggobyerong aktibidad ng Iceland, at isa rin sa mga pinakamalinis, pinakaluntian, at pinakaligtas na lungsod sa mundo.

Ang unang dalawang taga-Iceland ay nabinyagan sa Denmark noong 1851. Hindi naglaon ay bumalik sila sa Iceland, at noong 1853 ay itinatag ang unang branch. Ngayon ay may halos 300 miyembro sa Iceland sa tatlong mga branch, sa Reykjavik, Akureyri, at Sellfoss. Ang pinakamalapit na templo ay nasa London, England, 1,177 milya (1,894 km) mula sa Reykjavík.

Kahit kakaunti ang mga miyembro, patuloy na lumalago ang Simbahan. Sa kabila ng mga hamon dahil sa pagkakabukod, pagsasalin ng mga materyal ng Simbahan, di-magandang panahon, at mga pagkakaiba ng kultura, nangako ang mga pinuno ng Simbahan na balang-araw ay magiging inspirasyon ang Iceland sa ibang bansa. Binisita ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang Iceland at pinaalalahanan ang mga miyembro na sila ay “mga taong may ‘lakas at kapangyarihan at kakayahan’ na gumawa ng mga dakilang bagay” (“Wonderful to Have Sweet, Good Land,” Church News, Set. 21, 2002, 10).

  • Ang Icelandic Mission ay itinatag noong 1894, ngunit itinigil ang pagpo-proselyte noong 1914. Ang Iceland ay naging bahagi ng Denmark Copenhagen Mission noong 1975.

  • Noong 1977, opisyal na inilaan ni Elder Joseph B. Wirthlin (1917–2008), na noo’y miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu, ang Iceland para sa pangangaral ng ebanghelyo.

  • Noong 1981 inilathala ang Aklat ni Mormon sa wikang Icelandic—isang wikang hindi sinasalita sa iba pang lugar sa mundo.