Ang Ating mga Propeta at Apostol
Pinamumunuan ni Jesucristo Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng mga propeta at apostol. Basahin ang tungkol sa kanila sa ibaba. Pagkatapos ay gupitin ang mga larawan sa pahina K23 at idikit ang mga ito sa kanilang mga lugar sa tsart. Lagyan ng teyp ang ibabaw ng bawat larawan para maitaas mo ang mga ito upang mabasa ang mga tungkol sa kanila sa ilalim!
Pangulong Russell M. Nelson
Ika-17 Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
-
Dating heart surgeon
-
Nag-aral ng ilang wika, kabilang na ang Mandarin
-
Mayroong 10 anak: 9 na anak na babae at 1 anak na lalaki
Pangulong Dallin H. Oaks
Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan
-
Naglinis ng radio repair shop bilang unang trabaho
-
Naging abogado at hukom sa Korte Suprema ng Utah
-
Naging pangulo ng Brigham Young University
Pangulong Henry B. Eyring
Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan
-
Naglaro ng basketball sa high school
-
Natuto ng physics mula sa kanyang ama gamit ang pisara ng pamilya nila
-
Naging pangulo ng Ricks College, na ngayon ay BYU–Idaho
Pangulong M. Russell Ballard
Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Tinaguriang “ang bishop” sa kolehiyo dahil sa kanyang matataas na pamantayan
-
Nagpatakbo ng isang car dealership
-
Naglingkod bilang missionary sa England at bilang isang mission president sa Toronto, Canada
Elder Jeffrey R. Holland
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Naging mission companion ni Elder Cook sa England
-
Nagtrabaho sa Church Education System
-
Dating pangulo ng BYU
Elder Dieter F. Uchtdorf
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Dalawang beses na naging takas o refugee noong bata pa siya
-
Dating piloto ng eroplano
-
Mahilig mag-ski kasama ng kanyang mga anak at apo
Elder David A. Bednar
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Dating quarterback sa kanyang high school football team
-
Pagkatapos magmisyon sa Germany, bininyagan ang kanyang ama bilang miyembro ng Simbahan
-
Naging pangulo ng Ricks College nang ito ay maging BYU–Idaho
Elder Quentin L. Cook
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Nagkaroon ng patotoo matapos magbasa ng mga banal na kasulatan at manalangin kasama ang kanyang kuya
-
Nakita ang kanyang magiging asawa sa isang junior high school talent show
-
Naglingkod bilang pinuno ng Simbahan sa Pilipinas at sa Pacific Islands
Elder D. Todd Christofferson
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Gumawa ng mga homemade na tinapay para sa kanyang pamilya noong lumalaki siya
-
Nakibahagi sa Hill Cumorah Pageant sa New York noong tinedyer siya
-
Nagtrabaho bilang isang abogado bago naging isang Apostol
Elder Neil L. Andersen
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Lumaki sa isang dairy farm sa Idaho, USA
-
Naglingkod bilang missionary at mission president sa France
-
Nagsasalita ng French, Portuguese, Spanish, at English
Elder Ronald A. Rasband
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Naging mission president sa New York City, USA
-
May motto na “Ang mga tao ang pinakamahalaga”
-
Inilaan ang unang gusali ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Czech Republic
Elder Gary E. Stevenson
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Naglingkod bilang missionary at mission president sa Japan
-
Nagsimula ng negosyo sa paggawa at pagbebenta ng mga kagamitan sa pag-eehersisyo
-
Naglingkod bilang bishop sa buong Simbahan
Elder Dale G. Renlund
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Ang ibig sabihin ng kanyang gitnang pangalan, Gunnar, ay “matapang na sundalo”
-
Lumipat kasama ng kanyang pamilya mula sa Utah patungong Sweden noong siya ay 11
-
Nagtrabaho bilang isang heart doctor
Elder Gerrit W. Gong
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Mahilig sa mga hayop, kabilang na ang mga penguin
-
Gustung-gustong makilala ang mga tao sa bawat bansa
-
Mababakas ang kasaysayan ng pamilya pabalik kay First Dragon Gong na isinilang noong AD 837
Elder Ulisses Soares
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
Mula sa Brazil at naglingkod bilang missionary doon at mission president sa Portugal
-
Natutuhan ang tungkol sa Simbahan kasama ng kanyang pamilya noong bata pa siya
-
Nagsimulang maghanda sa misyon noon siya ay 12