2019
Ginagabayan ba Ako ng Diyos?
Abril 2019


Mga Young Adult

Ginagabayan ba Ako ng Diyos?

young adult standing by train

Ang ating buhay ay puno ng mahahalagang pagpili: ano ang kukuning karera, sino ang pakakasalan, saang paaralan mag-aaral, atbp. Ang ating mga buhay ay puno rin ng mga pang-araw-araw na alalahanin: pagpili sa pinakamainam na paraan ng paggamit ang oras, pagsikap na maunawaan ang doktrina, at paghanap ng kapayapaan sa gitna ng mga pagsubok. Sa kabuuan, kailangan natin ng personal na paghahayag. Pero minsan ay mahirap malaman kung paano ito matatanggap at kung paano ito malalaman kapag natatanggap na natin ito. Kapag hindi tayo nakakakuha o nalalaman ang mga sagot, maaaring maitanong natin, “Ang Espiritu ba iyon o ideya ko lang ito?” “Bakit ako nagkaroon ng inspirasyon na gawin iyon at pagkatapos ay nabigo?” “Bakit nararamdaman ko na hindi sinasagot ng Diyos ang aking mga panalangin?”

Sa kabutihang-palad, sa “Paggawa ng mga Desisyon: Kalayaang Pumili vs. Paghahayag” (pahina 44), ibinahagi ni Erin ang kanyang kuwento tungkol sa personal na paghahayag noong kailangan niyang gumawa ng isang desisyon na makapagpapabago ng kanyang buhay. Kahit na gusto ng Diyos na gabayan tayo, gusto Niya rin na tulungan tayo na matutuhang gamitin ang ating kalayaang pumili at gumawa ng mabubuting pasya.

Ang matutuhan kung paano nagsasalita sa atin nang personal ang Espiritu Santo ay isa pang mahalagang bahagi ng pagtanggap at pagkilala ng paghahayag. Maaaring nangyayari ito sa iba’t ibang paraan sa bawat isa sa atin. Sa pahina 48, maraming young adult ang nagbahagi kung paano sila nakatatanggap ng paghahayag.

Sa isang digital lamang na artikulo, ipinaliwanag ni Aspen na ang personal na paghahayag ay nangangailangan ng “Paggamit ng Iyong Espirituwal na Lakas.”

Ang pag-iisip sa hinaharap ay maaaring nakapanghihina ng loob, at maaaring nakakatakot pa nga. Lalo na bilang isang young adult. Pero kapag naaalala ko kung paano ginabayan ng Diyos ang aking buhay noon, binibigyan ako nito ng lakas ng loob na sumulong at kumilos, nagtitiwala na patuloy Niyang ibibigay ang paggabay na kailangan ko sa pana-panahon.

Tapat na sumasainyo,

Katie Sue Embley