2019
Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay
Abril 2019


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay

The Story of Easter
The Story of Easter 2
The Story of Easter 3

Mahal ni Jesus ang Kanyang mga kaibigan. Hinugasan Niya ang kanilang mga paa. Pagkatapos ay ibinigay Niya sa kanila ang sakramento. Sinabi Niya sa kanila na alalahanin Siya. Sinabi Niya na magmahalan sila.

Kalaunan, pumunta si Jesus sa isang hardin. Nagdasal Siya para sa ating lahat. Nadama Niya ang sakit ng ating mga karamdaman. Nadama Niya ang sakit ng ating mga kasalanan.

Dinampot ng mga galit na tao si Jesus. Sinaktan nila Siya. Namatay Siya sa krus para sa atin. Inilagay ng Kanyang mga kaibigan ang Kanyang katawan sa libingan.

Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik ang Kanyang mga kaibigan. Ang libingan ay walang laman! Sinabi sa kanila ng mga anghel, “Siya ay nagbangon.” Si Jesus ay nabuhay na muli! Dahil kay Jesus, tayong lahat ay mabubuhay na muli pagkatapos ng ating kamatayan.

Mahal ako ni Jesus. Magagawa kong gawing espesyal ang Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pag-alaala sa Kanya. ●