Bilang isang kabataang babae, dapat ba akong mas magtuon sa edukasyon at pagtatrabaho o sa pagiging asawa at ina?
Nalalaman natin na “ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha” at ang “mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga sa kanilang mga anak.”1 At alam din natin na, sa iba’t ibang kadahilanan, pinayuhan ng mga propeta ang kapwa mga lalaki at babae na maging edukado.2 Bukod pa rito, alam natin na maraming babae ang kailangan o nagnanais na magtrabaho.
Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, na para sa mga babae, ang pagpili ay hindi sa pagitan ng pamilya o edukasyon at trabaho. “Ang tamang panahon ang dapat nating piliin,” sabi niya. “At kailangan natin humanap ng inspirasyon mula sa Panginoon o sa mga turo ng Kanyang mga tagapaglingkod sa paggawa nito.”3
Magplanong tumanggap ng edukasyon, at magplano na magkaroon ng pamilya. Maaari ka ring magplano na makapagtrabaho. Sa lahat ng ito, dapat na magtuon ka sa pagsunod sa plano ng Ama sa Langit at pag-ayon sa Kanyang kalooban.