2019
Kumusta mula sa Estonia
Abril 2019


Kumusta mula sa Estonia!

Kami ay sina Margo at Paolo. Ngayong taon ay naglalakbay kami sa buong mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa aming pagbisita sa Estonia!

Hello from Estonia

Ang Estonia ay nasa hilagang Europe. Mayroon itong mahigit 2,000 isla. Humigit-kumulang 1.3 milyong tao ang nakatira sa Estonia.

Ganito sinasabi ang “kumusta” sa Estonia: Tere! At ganito sinasabi ang pangalan ng Simbahan: Viimse Aja Pühade Jeesuse Kristuse Kirik

Ito ang Tallinn, ang punong lungsod ng Estonia. Ito ay humigit-kumulang 800 taon na! Ang Estonia ay maraming mga masusukal na lugar, tulad ng mga kagubatan at latian. Katunayan, mahigit kalahati ng Estonia ay nababalutan ng kagubatan. Maraming tao sa Estonia ang mahilig gumugol ng oras sa kalikasan.

Ano ang hapunan sa Estonia? Siguro ay karneng baboy o binurong isda na may patatas, repolyo, sour cream, at itim na tinapay. Ang tawag dito ay sprat sandwich.

Mahilig ka bang kumanta sa Primary? Kada limang taon, nagtitipon ang mga taga-Estonia sa isang malaking pista para ipagdiwang ang kanilang bansa sa pamamagitan ng kantahan at sayawan.

Ang Simbahan sa Estonia ay maliit ngunit malakas. Mayroong humigit-kumulang isang libong mga miyembro ng Simbahan. Ang pinakamalapit na templo sa kanila ay nasa Helsinki, Finland.

Kilalanin ang dalawang magkapatid na mula sa Estonia!

Isang gabi nang gusto ko nang matulog, nawala ang teddy ko. Hinanap ko ito pero hindi ko ito makita. Nagdasal ako. Pagkatapos ay nakita ko ang teddy bear ko at nagkaroon ako ng magagandang panaginip.

Bianka J., 7 taong gulang

Mahilig ang aming pamilya na maglingkod sa iba. Tumutulong sa amin ang paglilingkod na madama ang Espiritu Santo, na nagbibigay sa amin ng mainit na pakiramdam ng kapayapaan. Gumagawa kami ng kapatid ko ng mga regalo para sa iba dahil gusto namin na maramdaman nila na minamahal sila.

Piibe J., 10 taong gulang

Salamat sa paglalakbay sa Estonia kasama namin. Hanggang sa muli!