2020
Tuwirang Sagot
Disyembre 2020


Tuwirang Sagot

Hindi ba’t kakaiba para sa kapatid ni Jared na hilingin sa Panginoon na gawing maningning ang mga bato?

Noah on the ark with animals

Una sa lahat, ang kapatid ni Jared ay nanalangin nang may pananampalataya, naniniwalang siya ay “makata[tanggap] alinsunod sa [kanyang] naisin” (Eter 3:2). Nangangahulugan ito na nagtiwala siya na “sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari” (Lucas 1:37). At iginalang ng Panginoon ang kanyang tapat na kahilingan.

Pangalawa, maaaring ginagaya ng kapatid ni Jared ang isang dating halimbawa: ang arka ni Noe. Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na ang kanyang mga gabara ay hindi maaaring magkaroon ng apoy o bintana (tingnan sa Eter 2:23–24), ngunit sinasabi sa Biblia na may “bintana” ang arka ni Noe (Genesis 6:16). Gayunman, ang salitang isinalin bilang “bintana” ay maaaring hindi talaga isang bintana. Sinabi ng ilang rabbi at iba pang mga iskolar na ang “bintana” ng arka ay isang mamahaling bato na kumikinang sa loob ng arka [tingnan sa Genesis 6:16. footnote a). Marahil ay alam ng kapatid ni Jared ang kuwento tungkol sa arka ni Noe. (Kasama sa talaan ng mga Jaredita ang isang kuwentong sumasaklaw sa Paglikha hanggang sa tore ng Babel [tingnan sa Eter 1:3–4].) Kaya maaaring hindi kakaiba ang hiling ng kapatid ni Jared.