2021
Isang Bagong Paglalathala para sa Isang Pandaigdigang Simbahan
Enero 2021


Maligayang Pagbati sa Isyung Ito

Isang Bagong Paglalathala para sa Isang Pandaigdigang Simbahan

Minamahal naming mga kapatid,

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay maaaring matagpuan sa mga bansa sa iba’t ibang dako ng mundo. Bagama’t magkakaibang wika ang sinasalita natin, nagkakaisa tayo sa pagsisikap natin na sundin ang Tagapagligtas at nagagalak tayo na alam natin na tayong lahat ay mga anak ng Diyos.

Mula pa noong mga unang araw ng ipinanumbalik na Simbahan, ang mga lathalaing tulad ng mga magasin ng Simbahan ay tumutulong na sa mga miyembro sa kanilang pagsisikap na matuto, mamuhay, at magbahagi ng ebanghelyo. Ang mga nagbibigay-inspirasyong mensahe ay nakatulong sa mga miyembro na makaugnay sa mga lider ng Simbahan at sa isa’t isa. Sa hangaring maipaabot ang mga pagpapalang ito sa mas marami pang mga anak ng Diyos, malugod naming ibinabahagi sa inyo ang unang isyung ito ng bagong Liahona.

Kabilang sa iba pang mga pagbabago sa mga magasin ng Simbahan ay ang mga bagong paglalathala para sa mga bata at kabataan sa buong mundo. Bawat isa sa mga magasin—ang Liahona, Para sa Lakas ng mga Kabataan, at Kaibigan—ay makikipagtulungan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na resources sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na sumusuporta sa pag-aaral ng ebanghelyo sa inyong tahanan. Ang mga magasing ito ay magiging mas available rin sa mga digital channel.

Ang layunin ng mga magasin ng Simbahan ay gayon pa rin: tulungan ang mga anak ng Diyos na lalo pang magbalik-loob sa kanilang Tagapagligtas na si Jesucristo. Nagpapasalamat kami sa hangarin ninyong matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo, at alam namin na tutulungan kayo ng mga magasing ito sa mga pagsisikap na iyon.

Taos-pusong sumasainyo,

Ang Unang Panguluhan