2021
“Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos?”
Enero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Doktrina at mga Tipan

“Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos?”

Doktrina at mga Tipan 6–9

(Enero 25–31)

pdf

Translation of the Book of Mormon [Pagsasalin ng Aklat ni Mormon], ni Gary Ernest Smith; Larawan ng mapa mula sa Getty Images

Sino ang kasama sa mga paghahayag na ito mula sa Diyos?

  • Joseph Smith

  • Oliver Cowdery. Nalaman niya ang tungkol kay Joseph Smith at sa mga laminang ginto at nag-alok na maging tagasulat habang isinasalin ni Joseph ang Aklat ni Mormon.

Saan nangyari ang mga ito?

  • Ang mga paghahayag na ito ay naganap sa Harmony, Pennsylvania.

Kailan nangyari ang mga ito?

  • Ang mga paghahayag na ito ay ibinigay noong 1829.

Paano naaangkop sa atin ngayon ang mga paghahayag na ito?

Bago naging tagasulat ni Joseph si Oliver, nanalangin siya para malaman kung totoo ang gawain ni Joseph. Nang manalangin si Oliver, nakadama siya ng kapayapaan at katiyakan.

May mga tanong pa rin si Oliver habang tinutulungan si Joseph sa pagsasalin. Muli niyang itinanong sa Diyos kung ito ay totoo.

Ipinaalala ng Panginoon kay Oliver na natanggap na niya ang sagot sa kanyang panalangin:

“Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito? Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos?” (Doktrina at mga Tipan 6:23).

Tulad ni Oliver, dapat nating palaging alalahanin ang mga espirituwal na karanasan natin noon at hayaang mapalakas tayo ng mga ito sa mahihirap na panahon.