Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Doktrina at mga Tipan
Paano tayo pinagpapala ng ipinanumbalik na ebanghelyo?
(Disyembre 28–Enero 3)
Sa Doktrina at mga Tipan 1, ipinahayag ng Panginoon, “Ang mga kautusang ito ay mula sa akin, at ibinigay sa aking mga tagapaglingkod” (Doktrina at mga Tipan 1:24). Ipinaliwanag Niya kung paano mapagpapala ng katipunan na ito ng mga paghahayag, kautusan, at mga turo ang Simbahan at mga naunang miyembro nito. Ang Kanyang mga salita ay angkop din sa atin ngayon.
Mga Pagpapala para sa mga Miyembro
-
Ang mga naghahangad ng karunungan ay matuturuan (tingnan sa talata 26).
-
Ang mga nagkasala ay maaaring “maparusahan, upang sila ay makapagsisi” (talata 27).
-
Ang mapagpakumbaba ay gagawing malakas, pagpapalain mula sa kaitaasan, at tatanggap ng kaalaman (tingnan sa talata 28).
Mga Pagpapala para sa Simbahan
-
Ang pananampalataya ay madaragdagan sa lupa (tingnan sa talata 21).
-
Ang walang-hanggang tipan ng Panginoon ay mapagtitibay (tingnan sa talata 22).
-
Ang kabuuan ng ebanghelyo ay ihahayag ng mahihina at ng mga pangkaraniwang tao (tingnan sa talata 23).
-
Kapangyarihang maitatag ang saligan ng Simbahan at mailabas ito mula sa pagkakatago at mula sa kadiliman (tingnan sa talata 30).